Vote and Comment.
Ask me a favor. Just comment
-DOVE-
CHAPTER 7
Azzip's Pov
Kasalukuyan akong nasa park dito sa subdivision namin para mangbulabog ng mga nakikita kong magkasintahan. Parang adik lang eh noh. Binabati ko rin naman ung ibang mga nakakakilala sakin pero hanggang bati lang dahil napapadaan lang sila.
Maya maya pa nakarinig ako ng napakacorning salita na ngayon ko lang narinig sa buhay ko buong buhay ko.
"Pangako ikaw lang sa huli. Pangako ko sayo na magbabago na ako. Alam mo namang ikaw lang sapat na sakin. Pangako kong hindi na ulit kita iiwan. Pangako ko sayo yan. Mahal na mahal kita." Sabi ng lalaki habang yapos yapos ang babae. Kadiri sila realtalk halos masuka na ko sa kinauupuan ko malapit sa kanila.
"Talaga lang? Hindi ka na mangbabae?" Paninigurado ni ate.
"Hindi na. Promise." Para namang nakumbinsi si ate kaya nagyakapan ulit sila. Uto uto si ate halata namang niloloko siya ni kuya.
Bago pa sila umalis ay lumapit na agad ako at nagsalita. " Alam mo kuya sa dami ng mga pangako mong napapako at mapapako lang din, pwede ka ng karpintero." Saad ko saka tuluyan silang iniwan dun. Malaki naman ang park kaya hindi lang sila ang mahahanap ko. Ang bored naman kasi sa bahay puro twitter, chat, fb lang ang ginagawa ko. Sasakit na ang mata ko kaka-gadgets.
"Hi my lovessss!" Dahil sa narinig kong yun nahirapan akong maglakad at parang natuod sa kinatatayuan ko. Lord, ang bilis ng karma ko. Huhuhuhu
Nandito kasi si Genesis yung manliligaw kong napakakulit at masarap ihambalos sa pader.
"Hehehe H-Hello." Sabi ko pero hindi pa rin siya nililingon hanggang sa nakita kong katabi ko na siya sa paglalakad. Sinabayan pa ako.
"Musta na my loves? Pasensya na hindi na ko nakakadalaw sainyo ah." My loves daw. Shit! Kadiri. Eww eww. Hindi naman siya kagwapuhan at hindi rin naman kapangitan tama lang. Kaso ang nakakainis eh masyado siyang tanong ng tanong tapos masyado siyang Oa yung kumbaga hindi cool tingnan. Aish ewan.
"Okay lang " Agad kong sagot.
"May gusto ka ba my loves? Gusto mo ng chocolate? Flowers? Foods? Pambawi lang kasi hindi na ko nakakadalaw sainyo."
"Alam mo tanga ka" Bigla ko na lang nasabi.
"Bobo ako my loves hindi tanga" Immune na ata sa lalaking itong tawagin ng kung ano ano hindi man lang nasaktan sa sinabi ko.
"Sa pag-ibig magkaiba ang tanga at bobo. Ang bobo walang ginagawa pero ang tanga lahat ginagawa. Kaya tanga ka. Ayos lang ako hindi pa kami naghihirap." Saad ko muli.
"Tanga pala ko hahaha hindi pala ako bobo." Natatawa niyang sabi.
"My loves kelan mo ba ko sasagutin?" Isang taon na kasi siya nanliligaw at wala akong balak sagutin siya as in never.
"Kung gusto mong mapasayo ang taong minamahal mo hindi mo siya tatanungin ng ganyan dahil kung mahal mo siya maghihintay at maghihintay ka para sakanya kahit na may mahal na siyang iba at magmuka ka ng tanga. " Bago pa siya magsalita ay nagsalita na muli ako.
"Pero syempre dahil nga mahal mo siya at may mahal na siyang iba kaylangan mo siyang i-give up. Masakit na kasi eh." Sabi ko saka tuluyang lumayo sakanya. Tumakbo pa ko para lang hindi niya mahabol. Muka kasi siyang shock eh. Kaya sinamantala ko na yun. Kaurat eh.
Bago ako umalis sa park ay umupo muna ako at nagtweet.
Tweet of the day.
Sa pag-ibig magkaiba ang tanga at bobo. Ang bobo walang ginagawa pero ang tanga lahat ginagawa.
Maya maya pa nakita kong nagreply tweet na naman ang lalaking broken hearted. At hindi siya nagreply sa reply tweet ko sakanya kahapon. Nagulat siguro. Teka Nasabi ko ba ang pangalan niya? Hindi noh. Natatawa kasi ako sa pangalan niya eh. Johnny Bravo ang nakalagay. Sira ulo ata. Samantalang ang layo layo nun sa username niya saka email.
Reply
@ hugotera_QAzzip16 @Z_J_A
Hindi ko alam kung ano ko sa dalawang yan. Dahil lahat naman ginagawa ko pero parang kulang pa rin dahil hanggang ngayon hindi niya pa rin ako pinapansin.
BINABASA MO ANG
Kung wala siguro ang twitter wala na rin ako. Ay hindi erase erase kung walang twitter hindi ako sisikat . Pero pake ko ba kung sumikat ako? Gusto ko lang naman mailabas ang damdamin ko. Napakabitter ko daw hahahaha. Isang nakakalokang tawa lagi ang...