CHAPTER 2
Nagising na lang akong hindi namamalayan na nakadapa pala ako. Nakatulog siguro ako kanina kaka-twitter nagising kasi ako ng ala una ng madaling araw at nagtwitter. At ung acc kahapon na hindi ko alam kung lalaki ba yun o babae ay patuloy pa rin akong binabara at nagcocomment ng nakakairitang kumento niya na akala mo naman ay may pake ako. Kakasira ng araw.
Kaya imbis na magdaldal ako at isipin siya ay nagtweet uli ako.
Goodmorning Everyone!!
Pagkatapos nun ay tumayo ako at binuksan ang kurtina at tumambad agad sakin ang nakakasilaw na sikat ng araw. Ang ganda ng panahon ngayun hindi sobrang tirik ng araw hindi rin naman sobrang kulimlim. Kaya nagtweet ulit ako.
Sana ang relasyon natin tulad din ng araw ngayon, ang ganda.
Ikain na lang natin ang ating pagkasawi. Atleast ang pagkain never tayong iiwan. Have a good breakfast everyone.
Pagkatweet ko ng mga yan ay bumaba na ko para kumain. Aba tao rin ako nagugutom.
"Goodmorning Lola Levy! " Bati ko dahil naabutan ko siyang nagaalmusal na.
"Goodmorning Azzip kumain ka na" Bati rin nito sakin.
Dumating si Yaya Lucy na may dalang plato, baso, at spoon and fork. Kaya agad ko itong pinuntahan para ako na ang maglagay sa aking mesa.
"Thank you yaya Lucy. Goodmorning po!" Bati ko uli habang kinukuha ang mga plato.
"Aba'y magandang umaga Azzip" Bati rin nito pabalik saka nagtungo uli sa kusina.
Kumuha ako ng bacon at sandwich na may palaman na nutella. Naglagay rin ako ng gatas sa aking baso. At kumuha ng saging para sa prutas.
"Nga pala lola may pupuntahan po kami ni Ruffles at Xienie bukas. Alam niyo po gala gala." Sabi ko pagkatapos kong lunukin ang aking kinakain.
"Oh eh sige bahala ka tutal summer naman ngayon at wala ng pasok." Yess pinayagan ako. Hahahahaha.
"Thank you po. " Nakangiti kong sambit
"Oh gusto mo pa?" Tanong ni Lola
"Hindi na po. Kuntento na po ako dito. Ayoko na pong maghangad ng marami baka masaktan lang po ako. " Hugot ko.
"Aba nagawa mo pang humugot kang bata. Sige na aalis na ko at may aasikasuhin pa ko." Paalam nito kaya agad akong nakipagbeso.
Pumasok siya sa kwarto niya sa baba at paglabas ay nakabihis na. Meron kasi kaming maliit na business. Pamana pa ito daw ng lola niya. Clothing business ito. Pangalan ng boutique ay Fashion Star Boutique. Kung saan makakabili ka ng mga damit na nasa uso pero affordable. Tatlo pa lang ang branch nito sa Cavite kung saan kami nakatira. At tig isa sa Laguna at Batangas.
"Nga pala may padala ang mommy mo ng sapatos. Air Max Kulay Violet ung matagal mo ng pinapabili sakin. Nasa kwarto kunin mo na lang." Saad ni Lola Levy.
"Sige po pakisabi Salamat." Ngiti ko. Saka siya tuluyan ng lumabas at sumakay sa kotse.
"Oh tapos ka naba ija?" Tanong ni Yaya Lucy.
"Tapos? Matagal na po kaming tapos at kahit kelan hindi na mababalik pa sa dati." Paghuhugot ko uli.
"Oh sya na sa susunod hindi na kita tatanungin baka kung ano pang masabi mong bata ka." Sabi nito saka niligpit ang pinagkainan ko nagpaalam naman akong aakyat na.
Ung parents ko ay hiwalay pareho silang nasa abroad. Si Daddy nasa Sweden. Si mommy nasa Singapore. Pareho lang nila akong pinapadalhan ng mga kung ano anong gamit. Kaya nga laking pasasalamat ko sa aking lola dahil sa pinagaaral niya ako. Hindi naman siya ganun katanda 54 pa lang siya. Tapos si Yaya Lucy nasa mga 30s
Binuksan ko uli ang twitter ko at nakita ko na naman ang reply niya.
@ hugotera_QAzzip16
Oo nga minsan maganda ang sikat ng araw pero kahit na anong gawin mo hindi ito permanente kaya papangit at papangit rin ang relasyon niyo.
@ hugotera_QAzzip16
Oo nga hindi ka iiwan ng pagkain pero ikaw kaya mo siyang iwan dahil minsan sawa ka na at minsan panis na ito.
Pigilan niyo ko mapapatay ko na talaga kung sino man ang gumagamit ng acc na yan. Dahil sa inis ko pinindot ko ang acc niya ang username niya ay ZJA143Pizza. Ano daw? Anong klaseng username yan? Tapos ung email niya or let say ung @ ay @Z_J_A Corny ng taong toh at masasabi kong lalaki siya dahil sa bio niya. Pano may nakalagay na Male tapos mukang ung aso niya pa ata ung ginawang Dp.
Iistalkin ko na sana ang acc niya kaso nakaprivate. Malas! Onti naman ng followers niya 200 lang pero pwede pwede na rin. Bahala talaga siya hindi ko siya papansinin lelang niya.
BINABASA MO ANG
Kung wala siguro ang twitter wala na rin ako. Ay hindi erase erase kung walang twitter hindi ako sisikat . Pero pake ko ba kung sumikat ako? Gusto ko lang naman mailabas ang damdamin ko. Napakabitter ko daw hahahaha. Isang nakakalokang tawa lagi ang...