Chapter 3

28 9 0
                                    

Display Picture ni Hugot Queen/ Azzip sa multimedia.

Happy Reading

CHAPTER 3

Ang tagal naman ni Ruffles at Xienie. Nauurat na ko dito ah bukod sa puro lovers ang nandito eh ung katapat kong table ay mukang magpropropse. Hindi ko na kaya pag nagpropose pa yan. Nako nako matitikman nila ang pait ng mga salita ko.

Ako:

Gawd girls! Asan na ba kayo?"

Dahil sa iritang irita na ko ay tinext ko na sila. Nandito kasi ako sa Pancake house. Dito kasi nila napiling mag lunch. At hindi ko naman alam na 12 ang usapan akala ko 11 like the hell magiisang oras na kong nandito.

Xienie:

Girl otw na ko. Ewan ko lang si Ruffles. Sorry Girl

Reply ni Xienie sakin. Lagot sakin si Ruffles pag hindi pa yun nakakaayos.

"W-Will you mary me?" Ayan na ayan na sinasabi ko na nga ba. Ayan si kuya nagpropose na at mukang kinakabahan pa. Sarap batuhin paluhod luhod pang nalalaman. Samantalang si Ate ayun shock na shock ang face at dahil sa nakatalikod ang lalaki at si ate naman ay nakaharap sakin. Patuloy ako sa pagsabi ng no sakanya kahit na walang lumalabas na salita sa aking bibig.

Sasaktan ka lang niyan girl.

"Ah ...hhmm" Aba nagpaligoy ligoy pa si Ate.

"Yess na yan"

"Kinikilig ako"

"Yess na girl"

"Swerte mo"

Ayan ang sigaw ng mga tao sa loob mga chismosa. Puro yess ang sinisigaw nila. Ako nanatili pa ring No ang binubuka ng bibig ko. Muka naman nalito si ate. Bobo siya tsk. Kung mahal niya yang tao na yan magye-yess yan at hindi na magdadalawang isip.

Dahil sa hindi na ko nakatiis. Pumagitna na ako "Alam mo kuya kung talagang mahal ka niyan yess na agad yan. Tingnan mo paligoy ligoy pa." Sabi ko sabay tabig ng singsing kaya nahulog sa lupa

"Miss wag kang makielam"

"Tabi nga jan ate"

"Hayaan mo sila"

Isa isa na silang nagsigawan at nagsalita para umalis ako sa dalawa. Pinulot ng lalaki ang singsing saka muling tinanong ang babae "Will you mary me Sandra?" This time hindi na uutal utal ang tanong niya. Aba desidido.

"No daw." Sabi ko saka tinabig ulit ang singsing.

"Miss wag kang makielam plss." Pakiusap ng lalaki sakin saka muling pinulot ang singsing

"Eh ayaw magsalita ng girlfriend mo eh. No yan panigurado ako." Tugon ko sakanya. Saka bigla na lang may humila sakin na staff ata ng kainan na ito.

"Miss nanggugulo ka raw. Umalis ka na lang." Sabi nito saka hinila ako pa palabas.

"Teka lang hindi pa tapos oh." Turo ko dun na hanggang ngayon hindi pa rin nagsasalita ang babae.

"Lumabas ka na lang miss kung ayaw mo ng gulo." Sabi ng isang lalaki na pilit din akong hinihila ngunit hindi ako nagpapadala.

"Ano ba masakit ah?! Pasalamat nga kayo sakin eh iniiwas ko kayo sa mas malalang heartbreak." Sigaw ko.

Nasa may pintuan na kami ng narinig ko ng nagsalita ang babae " I'm sorry" Sabi nito sabay takbo at mas nauna pang lumabas ng restaurant kesa sakin.

"Sabi ko sainyo eh. Tsk. Wala kasing forever." Naiiling kong sabi saka hinila ang kamay ko sa mga lalaking hinihila ako palabas.

Saka tumayo ng tuwid at ngumiti ng para bang nagtagumpay ako at saka nagsalita "Hindi niyo na ako kaylangan pang kaladkarin dahil lalabas na ko magisa." Nanguuyam kong ngiti sakanila saka tuluyan ng lumabas ng restaurant.

TwitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon