WARNING:
Ang mga tao rito at mga pangyayari ay hindi totoo kung makakita man kayo ng pagkakapareho ay hindi ito sinasadya.
-DOVE-
CHAPTER 1
AZZIP'S POV
What's Happening?
Dali dali akong nagtype dahil sa sinasapian lang ako at dahil sa init ng panahon ngayon. Akalain niyo yun naka air con na ko at dalawang electric fan pero init na init pa rin ako. Putspa lang.
Dapat ba akong magpasalamat sa boyfriend ko? Dahil sa init ng panahon naging COLD dito sa lugar ko dahil sakanya.
Pagkatapos kong itype yan ay pinindot ko agad ang tweet as I expect madami agad ang likes at Retweet. Isa akong kilalang hugotera sa twitter. 30k ang followers ko. Ako si Azzip Ara Angasal isang kilalang hugotera at bitter na babae. xxHugotQueenxx ang username ko sa twitter.
Maya maya pa may mga nagcomment na at sinasabing ang galing ko daw. At kung ano ano pa. Pero napukaw ang atensyon ko sa kakaibang reply tweet sakin. Aaminin ko may mga nangbabara or let say basher pero minsan lang naman yun dipende sa post ko.
@hugotera_QAzzip16
Edi magpasalamat ka. Tinanong pa kami. Tsk.
Nairita ako sa comment niya pero minabuti kong wag magreply kasi baka matadtad ko yan sa inis ko.
Maya maya pa nakaisip ulit ako ng ipopost wala namang pasok ngayon dahil nga summer kaya gora hahaha.
Mama: Summer na! Punta tayo sa San Lorenzo Falls.
Ako: Tama na ma! Nasasaktan na ako. Ayoko ng mahulog log log log log log log log log log.
Natawa na lang ako sa sarili kong post. Nakakairita kasi eh puro na lang video na yan ang nakikita ko pati mga kaibigan ko naggaganyan na rin. Yung bigla na lang mahuhulog sa pool tapos biglang sasayaw at kakanta. Nakakalol. Nakakatawa nga siya pero paulit ulit eh. Nakakasawa.
Tumunog na naman ang laptop ko dahil sa may notif na naman. Mga reply mga, likes and retweet.
@ hugotera_QAzzip16
Your joke isn't funny. Saka sa falls kayo pupunta pagnagswimming ka ba dun magpapahulog ka sa falls eh ang taas taas nun malamang mamatay ka at hindi maiinlove. Crazy.
Pigilan niyo ko makakapatay na ko. Bwiset. Dahil nga sa pagkainis ko pinatay ko na lang ang laptop ko at minabuting matulog.
BINABASA MO ANG
Kung wala siguro ang twitter wala na rin ako. Ay hindi erase erase kung walang twitter hindi ako sisikat . Pero pake ko ba kung sumikat ako? Gusto ko lang naman mailabas ang damdamin ko. Napakabitter ko daw hahahaha. Isang nakakalokang tawa lagi ang...