Chapter 9

11 4 0
                                    

Photo on Multimedia. Follow me! Chat me? Chikahan tayo?

Happy Reading

-DOVE-

CHAPTER 9

I woke up feeling so damn lazy. After 2 days of that painful reply tweet to Johnny Bravo I never reply again to his comments. I don't know why. No ! I know why! Because I'm afraid of it, that it might happen again.

Ayoko na. Masakit na. Sa tatlong taon na nakalimutan ko siya nandito pa rin pala ang sakit. Nagkaroon ako ng maraming crush dahil sakanya. Nagkaroon ako ng maraming kaibigan dahil sakanya. Should I be thankful? Because if he do not do that maybe I'm not here now. Pwedeng wala ako ngayon kung ano ako.

Grade 12 ako nun nung iniwan niya ako. Nung nagcollege ako doon ko lang nakilala si Ruffles at Xienie hanggang sa tinulungan nila akong makalimot. Dahil sa kanila dumami ang kaibigan ko pa lalo. Iniwan ko lahat ng dating account ko at gumawa ng bago para lang makalimutan siya. Hindi ko siya in-add or follow sa any account. Alam niya rin naman na galit ako or wala talaga siyang pake? Kase hindi niya rin naman ako hinanap. Or let say hindi naman siya gumawa ng paraan para magkausap kami.

Well, masasabi ko ring tama ang ginawa ko at tama rin ang ginawa niya dahil nagdeactivate siya sa fb. Nakaprivate ang all accounts niya sa instagram at twitter. Kaya magmula nun I never search for his account dahil napagod ako sa kakaiyak. Naging madali sakin ang pag move on dahil sa naging abala ako sa studies and friends.

"Ija kakain na lumabas ka na jan alas onse na." Sigaw ni Yaya Lucy mula sa labas kaya agad akong nagayos at naghilamos para lumabas na.

"Oh apo aalis na si Lola kumain ka na. " Sabi nito saka nakipagbeso.

"Sige po La Ingat po." Paalam kong sabi saka umupo sa lamesa upang kumain. Pagkatapos kong kumain umupo ako sa sala para manood ng tv. Be my lady na pala.

Minsan ayoko rin manood dahil minsan nagiging mas marunong pa ko sa love story nila. Tulad niyan naiinis ako kay Pinang kasi ayaw niya pang aminin na gusto naman pala niya si Phil. Oo, nandun na tayo sa puntong ayaw pa ng tatay niya na magboyfriend pero pwede namang M.U diba? Saka mahal siya ng tatay niya kaya rerespetuhin pa rin ito ng tatay niya kung ano man ang desisyon niya.

Baka kasi sa huli mahuli na si Pinang. Baka magbago ang nararamdaman ni Phil dahil wala namang permanente sa mundo. Baka sa huli pala huli na si Pinang na hindi niya nasabi kay Phil na mahal niya ito.

So anong pinopoint out ko? Eh hindi naman yan totoo Azzip. Baliw ka talaga. Tigil tigilan mo na yan Azzip manood ka na lang.

Habang nanonood ay kumakain ako ng pop corn na luto ni Yaya Lucy iniintay ko kasi mag Showtime at manonood ako.

Pero hindi pa nagshoshowtime ng makarinig ako ng sigaw

"Ateeeee Aźzip!!!!" Nakakarindi naman ang batang ito.

"Ano ba Zylan bibisita ka na lang sisigaw ka pa." Naiirita kong sabi ng biglang may dumila sa paa ko.

"Pinky and Milliana!" Natutuwa kong sabi dahil nandito ung dalawang asong alaga ni Zylan. Si pinky Chow chow. Si Milliana naman Shih Tzu. Pero ang pinaka gusto ko ay si Mavis ung Golden Labrador nila kaso mukang wala ata ito.

Umupo naman si Zylan sa tabi ko at nangamusta. Samantalang sinagot ko toh ng hindi pa rin nakatingin sakanya dahil nakatuon ang pansin ko sa dalawang aso.

"Ate outing naman tayo nila kuya Zander ang boring boring sa bahay saka puro na lang kami mall." Saad nito

"Magandang Idea yan kaso ano? Tayong tatlo lang?" Tatlo lang kasi kaming magpipinsan. Si kuya Zander ay matanda ng isang taon sakin. Samantalang si Zylan ay bata ng dalawang taon sakin. Dalawa lang kasi anak ni Lola Levy.

Si Tita Lyn at si Daddy Roshan. Magkapatid naman si Kuya Zander at Zylan

"Syempre ate para mas masaya mag sama tayo."

"Osige sasama ko sila Ruffles, Xienie, Kim, Mariel at Larissa."

"Sige lang ate. Ay ate may sasabihin nga pala ako. " Tumango lang ako.

"Nakabalik na pala ate si K----" Hindi na niya natapos ang sinabi niya dahil sa sinigaw ko.

TwitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon