CHAPTER 14
Sa pagod ko umupo ako sa tambayan namin dati ni ... ay wala wala tambayan ko pala.
"Aling Eva pabili naman po ng Taho." Sabi ko kay Aling Eva na may ari ng tindahan. Masarap ang taho dito lagi kaming nabili dito ni Z--- .....aish bakit pa lagi ko na lang siyang naaalala. Putagris naman.
"Oh ija ikaw pala nako matagal na kitang hindi nakikitang nabili rito ah. Kamusta na ba?" Tanong nito habang gingawa na ang taho ko.
"Ah eh busy na po eh. Alam niyo naman po college na."
"Oh eto na. Balik ka ulit sa susunod namiss ko ng makipagkwentuhan sainyo ni Zark." Iniwasan kong banggitin ang pangalan niya pero binanggit naman ni Aling Eva ano na naman yan. Hayst.
"Ah....eh salamat po." Yun na lang ang nasabi ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Kamusta na nga pala kayo simula ng umalis siya papuntang states? " This time nagiwas ako ng tingin dahil sa hindi ko alam ang isasagot? Should I tell her? Err
"We don't have communication po eh. Alam niyo po busy kami parehas."
"Ah ganun ba sige teka lang ija may customer." Woot! Nakaligtas si Azzip. Ayoko ng topic namin eh. Tsk.
Kinain ko ang taho habang mainit pa ito kaso sa malas nga ko ngayong araw bigla na lang akong napatingin sa katapat na bahay nila Aling Eva which is bahay nila. Nahulog tuloy ang straw ko dahil sa bumalik na naman lahat ng memories sakin. Dammit! Hindi ko na muling pinulot ang straw dahil tinapon ko na ang lalagyanan dahil sa onti na lang naman ang laman at nawalan na ko ng ganang kumain.
"Kelan ba kita makakalimutan? Kahit anong gawin ko nasa puso pa rin kita. Oo, nakalimutan ka ng utak ko ng 3 years pero anong silbi nun kung ang puso ko ang kayang hindi makalimot? Ang daya mo naman kasi. Napakadaya mo. Siguro nga ngayon may asawa ka na or more masaya ka na kasama ng fiancee mo. Like the hell! Argh. Mapagkakamalan akong baliw dito." Mahina lang naman ang pagkakasabi ko hindi gaano kalakas. Buti na na lang medyo malayo layo pa ng konti ang lalaking nasa gilid ko na nakain habang nakaside view ng onti. Mukang wala naman siyang pake so ayos lang.
Nagtweet ako bago tumayo
Twitter post
It's really hard to forget especially when your heart always remember him even when your mind don't.
Pagkatapos niyan tumayo ako saka nagsimulang lumakad papuntang bahay.
BINABASA MO ANG
Kung wala siguro ang twitter wala na rin ako. Ay hindi erase erase kung walang twitter hindi ako sisikat . Pero pake ko ba kung sumikat ako? Gusto ko lang naman mailabas ang damdamin ko. Napakabitter ko daw hahahaha. Isang nakakalokang tawa lagi ang...