Happy Readinggg. ^_^
-DOVE-
CHAPTER 8
Kasalukuyan akong nag ffb at nakita ko ang post ng isa kong classmate. Madami akong kaibigan bukod kay Ruffles at Xienie pero sila talaga ung pinaka-close ko.
Facebook post
Off to Boracay.
At dahil nga summer ngayon malamang magswi-swimming yan. Nilike ko ang post ni Larissa at nagcomment.
Comment
Buti pa sila off to boracay. Off to Baguio at Off to Palawan. Samantalang ako OFF lotion lang, malamok eh.
Pagka-enter ko niyan. Marami na agad at nagcomment na kaibigan ko. Madaming natawa at madami naman binara ako dahil sa nagsimula na naman daw ako. Sus sanay na naman sila eh.
Mga reply nila sa fb
Reply
Kim: Nagsimula na naman si Azzip. Tsk tsk.
Mariel: NAKO AZZIP BENTA SAKIN HAHAHAHA.
5 People like your comment. Aba ang dami nang naglike ng comment ko hahaha. Sira ulo talaga sila Mariel eh.
At Wow damang dama ko talaga Mariel grabe. Maka caps lock ang loka.
Matapos kong mag fb at nagreply sa mga comments nila sa Post ni Larissa ay nag out na ako. Sabog ang notif ni Larissa panigurado. Mamaya pa yun magoonline at paniguradong nasa beach na yun. Buti pa siya.
Ewan ko kasi kung tuloy kami sa Batangas eh. Yayayain ko na lang sila siguro.
Nagbukas naman ako sunod ng twitter dahil boring na sa facebook. Syempre nagisip agad ako ng ipopost.
Twitter post
Masakit isipin na hanggang friends lang tayo.
Hindi ko alam bakit yan ang post ko. Trip ko lang. Saka hindi naman porket nagpost ako eh relate na relate ako. Para rin yan sa bitter na nagfollow sakin noh.
Nakakuha muli ako ng reply sakanya. Napakaactive ng lalaking toh. Bigyan ng jacket yan! Okay lol.
@ hugotera_QAzzip16 @Z_J_A
Laging ganyan ang sinasabi ng na-friendzoned dahil wala naman talaga silang ginawa. Naghintay ng tamang pagkakataon pero sa bandang huli, huli na pala talaga.
Wow lakas makahugot. Kunin ko kaya tong admin? Tinde eh.
Dahil sa trip ko humugot ngayon at barahin siya ay nagreply ako.
Reply ko
@ Z_J_A @ hugotera_QAzzip
Malay mo naman kasi ayaw niyang masira ang relasyon niyong dalawa lalo na't magkaibigan kayo.
Tumunog ulit ang laptop ko at napagtantong nagreply ulit siya.
@ hugotera_QAzzip16 @ Z_J_A
Atleast nagtry siya. Kesa yung wala siyang ginawa at nagintay na baka gusto rin siya ng kaibigan niya.
Reply ko
@ Z_J_A @ hugotera_QAzzip
Yun na nga eh. Baka naman gusto siya din nung kaibigan niya kaya nanatili siyang nagintay kahit na alam niyang masakit na.
Reply niya
@ hugotera_QAzzip16 @ Z_J_A
Bakit niya pa iintayin kung alam niyang nasasaktan na siya? Dapat nga huminto na siya at pabayaan ang kaibigan niya kung wala naman talagang gusto sakanya. Pero ano hindi siya nagtry kaya nahuli siya.
Nakakatawang isipin na sumasalungat kami or let say magkaiba ng pananaw. Ang pananaw ko kasi ay dapat inintay niya muna ito at nakiramdam kung mahal din ba siya ng kaibigan niya hanggang sa huli. Pero ang kanya at dapat nagtry na ito umpisa pa lang.
Reply ko
@ Z_J_A @ hugotera_QAzzip
Masakit rin naman sa tao kung ma-reject siya diba? At kapag nagconfess siya ng nararamdaman niya at hindi naman siya mahal ng kaibigan niya..sa tingin mo ba mababalik ang dati? Hah? Hindi diba?
Hindi ko alam na umiiyak na pala ako. Bakit? Bakit ganito? Bakit ko pa kasi siya pinatulan? Ayan ako ang nasaktan sa huli. Oo, lahat ng sinabi ko at pinaglaban ko sa comment niya ay totoo. Dahil hinintay ko ung bestfriend ko na mahalin din ako. Pero ano? Anong ginawa niya? Inintay ko siya pero iniwan niya ako. Nalaman kong engaged na pala siya. Tanggap ko yun. Tangina tanggap ko yun. At tangina uso pala yung arranged marriage na un. Ni hindi niya nga nalaman na minahal ko siya ng higit pa sa kaibigan. Pero damn tinanggap ko yun dahil ayaw kong iwan niya ako. Tinanggap kong maging magkaibigan kami dahil gusto kong nasa tabi ko siya kahit na nasasaktan ako. Pero anong ginawa niya? He left me without saying words. He just text me and said he was leaving now in Philippines. At anong mas masakit nag I love you siya na kahit anong gawin ko isang I love you lang iyon para sa isang kaibigan, sa isang bestfriend.
BINABASA MO ANG
Kung wala siguro ang twitter wala na rin ako. Ay hindi erase erase kung walang twitter hindi ako sisikat . Pero pake ko ba kung sumikat ako? Gusto ko lang naman mailabas ang damdamin ko. Napakabitter ko daw hahahaha. Isang nakakalokang tawa lagi ang...