Part 1

2.1K 33 0
                                    


 


"Hmmmnnn.... Morning..." ngiti ko sa babe ko na super ganda lalo na pag bagong gising. She's my everything...

"Hmmnnn... Anong oras na ba?" unat nito.
 Si Cha, ang current at real time  girlfriend ko. Two months palang kami pero feeling ko we're meant to be together... Forever... Sya na! Lalo na't very supportive sa pagsusulat ko. Minsan nga gagawan ko sya ng libro... At ang title... "My everything."

Dumagan ako sa kanya."Maaga pa..." at pinugpog sya ng halik.

"Jovs naman eh... Maaga pa practice ko.... Ihahatid mo ako di ba?" sabi nito at ginantihan ako ng halik sa labi.
Si cha nga pala ay isang volleyball player. Hindi lang basta player. Magaling na volleyball player! Fan kaya ako.

"Sure babe..." at niyakap ko ito ng mahigpit.

BLAG!

"Couz! Pahiram ng charger.... Tumatawag si mommy!" bungad nito na walang pakundangan pumasok sa kwarto kahit makita pa kaming naglalampungan ng babe ko.

"Ayst... Andyan sa dresser..." at agad kong kinumutan ang hubad na katawan ni Cha. Buti nalang nasuot ko ng tshirt ko.

"Ganyan ba talaga yang pinsan mo?" inis ni Cha at agad ibinalot ang katawan nya sa kumot.

"Hindi ka ba marunong kumatok?" sigaw ko dito.

"Sorry..." at dirediretso lang din ito lumabas dala dala ang charger.

"Alam mo nakakapikon na sya ha." asar parin si Cha at bumangon nalang.

"Shh... Shhh... Pagsasabihan ko..." sabi ko nalang.

"Jovs!..." sigaw nito sa me sala. "Hatid mo pala ako.. Sira car ko!"

"What?" napatayo narin ako ng bumalik ito sa kwarto."Bakit nasira?"

"Ayaw magstart kanina pa... Malalate na ko sa practice... Okey..." pacute na sabi nito. "Ligo ka na..." at tuluyan na itong lumabas ng bahay.

"Wag mong sabihin sya ang ihahatid mo?" nakapamewang na tanong ni Cha.

"Ah... Eh... Dala mo naman car mo di ba?"ngumiti nalang ako at tumakbo akong pumasok ng banyo.

"Damn you!" sigaw nito at binato ang remote ng TV. Buti nalang agad kong naisara ang pinto.

Wooshhh... Lapit na yun ah.

Ako nga pala si Jovs... Jovs Gonzaga... At isang sports writer... Soon to be... At ito ang kwento ko... Masalimuot?.... Hindi naman... Medyo lang....

ifTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon