Part 11

713 19 0
                                    


 


"Bes!" sigaw ni Aly ng matanaw ako sa me pintuan nya. "Aba... Ang bilis mo rin ano... Hindi ko kaya ibigay yung rubbershoes."

"Aba! Wala ng bawian... Lam mo naman yan lang pinunta ko dito!"

"Ganon? E nagbago ng isip ko. Inom ka muna." aya nito at kumuha ng dalawang bote ng beer.

"Isang bote lang... Wala kang pagkain?"

"Patay gutom din ang peg mo no? Buti nalang dinalhan ako ng mommy ni Kiefy. Pasta at baked puffs." bumalik ito sa loob.

Inayos ko ang upuan namin sa veranda. Lumabas din si Aly na dala dala ang pagkain.

"O... Ayan... Kain na.."aya ni Aly. "Bes... Daya mo naman kasi... Porke d ka na nakatira dito... Di ka narin nagpapakita."

"Lam mo naman busy ako sa training di ba... "

"Pero kahit na... Nakakamiss ka rin pala... Hahaha..." tawa nito.

"Sira!"

"Hi te chel!" pansin ni Aly na dumating na pala ito. "Tara... Sabay ka na dito... Minsan nalang to mangyari, andito si Jovs."

Kaya lumingon nalang ako para batiin sya. "Hi couz..." at sinabayan ko ng tungga.

"Aba... Inuman ba to..." at umupo sa tabi ko.

"Kuha kita ng beer.." agad tumayo si Aly at pumasok sa loob.

Sa sandaling naiwan kami... Ni hindi kami nagtinginan.. Ano bang sasabihin ko sa kanya? Wala na kaming pag uusapan pa.

"O..." balik ni Aly. "Kalerki kayo ha.. Hindi ba kayo magkakilala."

"Hehehe... Funny..." tawa ko nalang.

"Pinagsasabihan ko nga tong si Jovs,ate... Na bumisita naman dito... Hindi yung puro Cha nalang inaatupag." sabi nito at pinagbuksan ng beer si Chel.

"Break na kaya sila..." diretsong sabi nito.

"Aba! Buti ka pa updated sa lovelife ko." tawa ko.

"Hindi nga bes? Break na kayo ni Cha?... E san ka nakatira ngayon?" usisa ni Aly.

Napalunok nalang ako. "Nakikitira parin ako ke Cha.... We ... We're trying to fix pa ka-kasi..." nauutal kong sabi.

"Bakit hindi ka nalang bumalik dito..." sabat ni Chel.

"Hindi na... Mas gusto kong mauna ng lumayo..."

"Ano? Di kita gets.... Bakit sino pa bang lalayo?" naguguluhan si Aly.

"E di si Chel... Ikakasal na kaya yan... Agad agad..."

"What?" gulat na gulat si Aly. "Shet! Ate kelan at sino?"

"Ha?" nahihiyang sabi nito

"Si Chris... Biruin mo, binasted nya tapos sasagutin lang din pala nya... Tapos 1 month palang sila... Engaged na!" inis kong kwento.

"Teka ate.... Totoo ba? Si Chris?"

"Totoo nga!" ako na ang sumagot. "Hindi mo nga alam kung bakit nagmamadali.."

"Bakit naman ganyan mga hirit mo... Me hugot! E di ba ikaw nga nakipag live in agad." matalim na ang tingin nito.

"Pero hindi ako nagpatali... E ikaw... Bakit ka nagmamadali?" hinarap ko na sya.

"Wooowss.... Lam nyo iisipin kong me relasyon kayo sa ganyang asta nyo... Kaso magpinsan kayo... Kalerki ha!" awat ni Aly.

Pareho kaming natigilan.

"Pero ate... Seryoso? Engaged na kayo? Well... Don't get me wrong pero it's too soon..."

"Napag-isipan ko naman..."

"Talaga? Pinag-isipan mo? Ano yun? Itinulog mo lang tapos bukas gusto mo ng magpakasal?" napataas ng boses ko.

"At least yun tinulog ko... E ikaw bigla ka nalang ng lipat bahay!" galit na sagot nito.

"Bakit ka nga ba ngmamadali kasi? Ano bang tinatakasan mo?" giit ko.

"Oo nga ate.... " segundo ni Aly. "Me tinatakasan ka nga ba?"

Napakunot noo ito. "Mahal ko si Chris... "

"Hah!..." natawa ako na naiinis. "Pwede ba... Kahit minsan man lang, magpakatotoo ka!"

"Wag mo akong itulad sayo... Ni hindi mo nga mapatunayan sarili mo!"

"Oo.... Naging duwag ako.... Ng matagal na panahon... Pero ngayon... Buong puso kong isisigaw sa mundo.... Kung... Kung...." natigilan ako. "Pero wala na namang saysay... "

Nanahimik nalang ito.

"Ehem... Inum pa bes..." at pinagbuksan ako nito. "Ganito nalang... Ate Chel... I'm happy... We are happy for you... Diba jovs!" kalabit nito.

"Oo naman.... " nakayuko kong sabi. "I'm happy for you..."

---

"Teka.... Uuwi pa ko..." nahihilo kong sabi pero me umaakay na sa kin.

"Matulog ka na nga lang dyan.. Tabi na kayo ni Aly... "

"E ikaw... San ka matutulog?" sabi ko. Malakas ang tama ko pero malinaw pa naman isip ko...

"Matulog ka na Jovs... Dun na ako sa kabila..."

"Iiwan mo ba ako? Pwede bang ako nalang.... Ako nalang mahalin mo?"

"Jovs... Lasing ka na..."

"Hindi... Alam kong sinasabi ko.... Mahal kita... Mahal na mahal... "

"Mahal din kita Jovs.... " mahinang sabi nito.

 Pero .... Pero .... "Asan ka na?"


 

ifTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon