Part 12

690 17 0
                                    


 


Dali dali akong sumugod sa emergency room. Hindi si Papa yon... Hindi pwede...

"Nurse... Asan yung sinasabing..."

"Ikaw ba ang anak ni Gonzaga?" sabat ng doctor na nasa likuran ko.

"Ako po..."

"Iha... Andun sya... Kelangan mo ng magpaalam... I'm sorry..." tapik nito sa balikat ko.

Halos hirap akong maglakad patungo sa kwarto kung saan nakaratay ang ama ko... At ng makalapit ako....

"Papa... Pa... Wag nyo po kong iwan..."

Naghihingalo na ito dahil sa lakas ng tama nya sa ulo. Ang dalawang nurse ang nag aayos ng bandage nya sa ulo pero tuluyan paring tumatagos ang dugo..

"An-ak.... Tandaan mo... Ako lang... Ako lang ang ama mo... Ikaw lang ... Ang anak ko... Kahit anong mgyari... Anak kita..." huling habilin nito.

"Pa...." at tuluyan ng nawalan na ito ng malay.

-----

"Papa!" sigaw ko...

"Jovs?" nagising din si Aly. "Okey ka lang? Nananaginip ka..."

"Gaano ba karami ang nainom natin?" hawak hawak ko ang ulo ko at sobrang bigat.

"Apat... Lima ata..." napaupo narin ito.

"Bakit ganon? Bakit yun ang sinabi ni papa?"

"Sa panaginip mo?"

"Oo... Naalala ko ngang sinabi nya na sya lang daw ang ama ko...kahit anong mgyari... Anak nya ako..."

"Well...Anak ka nga nya... Alangan naman na hindi..."

"Pero... Bakit nya sasabihin yon?... Hindi kaya... Di nya ako anak?"

"Jovs.... Hello? Anak ka ng tatay mo! Wag ka ng mag-isip ng kung ano!"

"Teka..." bigla akong bangon at tumakbong palabas.


"Chel.... Chel... Gising ka na?" dabog ko sa pintuan nya...

Ilang saglit lang.

"Jovs ano ba?" kagigising lang nito.

"Chel... Tawagan natin mommy mo... Malamang si mama di aamin yun... Sige na...Asan yung phone mo?" sunod sunod kong sabi.

"Teka... Bakit natin tatawagan si Mommy?"

"Itatanung lang natin kung talagang anak ako ni mama at papa... Napanaginipan ko kasi si Papa... Yun yung huling sinabi nya sakin... Please chel..."

"Jovs...."

"Ayaw ko man sana isipin pero pano nga kung iba ang ama ko at ina ko... Di ba dapat... Makilala ko man lang sila..."

"Jovs.... " at napaupo nalang ito sa sofa.

"Chel naman.... " at napatingin ako sa kanya. "Me... Me alam ka?"

Napapailing ito. "Hindi... Sila ang tunay mong magulang... Totoo ka nilang anak.."

Nanatili lang akong nakatayo kaya tumayo narin ito at hinarap ako.

"Wag ka ng mag-isip ng kung ano..."

"Me alam ka.... Pero hindi mo sinasabi sa kin?"

"Jovs... "

"Me alam ka nga!"

"Hindi sa ganon..."

"At hindi mo sinabi sa kin!" halos para akong sinaksak sa puso. "Bakit?... Ahh... Dahil ... "

"Jovs hindi..." di parin ito makasalita ng diretso.

"Dahil ayaw mong malaman ko na hindi tayo magpinsan? Tama ba?" dahan dahan nabubuo na sa isipan ko. "Para me dahilan ka... Para di ko ipilit ang nararamdaman ko sayo.... Dahil ayaw mo kong mahalin?... Kaya minabuti mong manahimik..."

"Jovs hindi ganon!" nagsalita narin ito.

"E ano? Matagal mo ng alam pero inilihim mo sa kin?" napataas ng boses ko. "Hindi mo man lang ba naisip na gusto ko rin makilala ang tunay kong magulang? Kung bakit nila ako pinaampon? O baka naghihirap na sila? Na pwede ko naman silang tulungan?"

"Jovs... Alam ko naman yun... Pero..."

"Pero ano?"

"Jovs... Baka kasi hindi mo kayang tanggapin..."

"Pano ko matatanggap kung hindi ko naman alam.... Chel.... "

"Jovs.... Iniwan ka sa ospital.... Ma-matapos kang ipanganak.... Umalis nalang daw agad ang nanay mo dahil walang maibayad sa ospital..."

Hinayaan ko lang syang magkwento at napaupo nalang ako. At umupo rin sya sa tabi ko.

"Nagkataon... Si Mommy ang nakaduty nun... Hinanap nila ang nanay mo... Pero di nila mahanap... " patuloy nito. "Tapos si Tita... Ang mama mo... Matagal na silang di magkaanak ng Papa mo... Dahil me diperensya ang papa mo... Kaya nung me bagong silang na bata sa ospital ni mommy, nasabi nya yun ke tita... Kaya inampon ka nila..."

Ganito pala ang pakiramdam na malaman mong singaw ka lang... Na hindi pala magulang ko ang nakagisnan kong pamilya.

"Jovs..." at niyakap ako. "Jovs hindi ka naman iba... Minahal ka nila ng buong buo...

"Naiintindihan ko na... Kaya nung nagkapamilya si Mama sa iba... Tuluyan narin nya akong iniwan.."

"Jovs hindi.... Alam mong tumatawag ang mama mo sayo... Pero ikaw tong nagmamatigas... Dahil ayaw mong tanggapin na nagkapamilya sya... Jovs... Hindi mo rin masisisi si Tita na gusto nyang magkaanak... Na yung sya ang nagluwal... Pero hindi ka nya kinalimutan... Naghihintay lang sya kung kelan ka magiging handa... "

Oo... Dahil hindi ako nagmula sa kanya. Parang mauulit lang din ang lahat... Kung ipagpipilitan ko pa...

Tumayo ako. "Alis na ko..."

"Jovs...."


 

ifTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon