Part 8

759 20 0
                                    


 


3 years ago.....

"Jovs... Kung gusto mo dun ka nalang muna sa bahay... Baka hindi mo pa kayang mag-isa dito." sabi ni ate chel ng makalipat ako sa unit na katabi ng unit nya.

"Ate okey lang..." ngiti ko."Tutal kelangan ko ng mabuhay mag-isa."

"Jovs... Sana tandaan mo nasa kabila lang ako... Hindi kita pababayaan." sabi nito habang tinutulungan akong ipasok ang mga gamit ko. "Nga pala... Hinihintay ka narin ni Coach Rico."

"Hindi na muna siguro.."

"Jovs... Sayang ang pagkakataon.."

"Ate.. Hindi ko pa kaya... Sa tuwing humahawak ako ng bola... Si papa ang naaalala ko... Kasalanan ko kung... "

Lumapit ito at niyakap ako."Jovs wala kang kasalanan... Aksidente ang nangyari.."

Yumakap nalang din ako sa kanya. "Ate salamat... At andito ka..."

----

"Ate... Natanggap na ko sa Philippine Star... Para magsulat sa sports news nila... Though di regular ang sahod parang per article muna kasi bago palang ako." kwento ko habang nakahiga ako sa sofa nya habang inaayos ang naluto nya.

"Okey narin yun... Pero ayaw mo ba muna magtry out sa Army.."sabi nito at tumabi sa kin sa sofa. Kaya sa legs nya na ako nahiga.

"Ate ang kulit mo rin ano?"ngiti ko habang nakatingala sa kanya.

"Sinong makulit?" at piningot ang ilong ko. At bigla nya akong kiniliti.

"Ate... Hahaha... Teka... " iwas ko pero nacorner nya ako sa dulo ng sofa kaya niyakap ko nalang sya. Di na sya nakakilos ng makadagan sya sa kin.

"Ayy..." tili nito ng masubsub sya sa leeg ko. "Teka teka..." pumiglas nito pero mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya hangang ngpabaya nalang ito at dumagan na sa kin.

"Hmmnnn... " at pumikit nalang ako. "Alam mo yung feeling... Na wala kang maisip na ano ba talaga ang gusto mong gawin... Pero masaya ka parin..."

"Ano naman nagpapasaya sayo?"

Napadilat ako at halos magkalapit na ang mukha namin. "Hindi ko nga maintindihan eh... Yung I wake up everyday na looking forward to something kahit hindi ko alam kung ano yun... Katulad ngayon... I'm happy here... with you."

Napangiti ito. "I'm happy too Couz... Na kasama ka..." nanatili parin itong nakadagan.

Nagkatitigan lang kami. Ng biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nararamdaman kaya nya?

Ilang saglit lang..  Dumampi ang labi nya sa labi ko. Halos di ako makahinga pagkatapos nun at nanatili akong nakatitig parin sa kanya. Ewan ko ba at ako naman ang humalik sa kanya. At tumugon naman ito. Sobrang tamis ng labi nya at binuka ko na ang bibig ko at ganun din sya. Maya maya pa, naglalaro na ang dila ko sa loob ng bibig nya. Napahigpit ang kapit ko sa beywang nya ng me kakaiba na akong naramdaman lalo pa ng mas madiin ang paghahalikan namin. Nararamdaman ko narin ang pag-init nya ng unti unti syang gumigiling.

"Jovs!" hingal nito ng kumawala sya sa labi ko.

"Whew!" hingal din ako at napangiti.

Natawa ito. "Kain na tayo!" at agad tumayo.


----

"Chel..." tawag ko ng makapasok ako sa bahay nya at dirediretso ako sa kwarto. "Tara na... Nasa baba na lahat ang gamit... Si Aly na daw magdrive..."

Pupunta kasi kami ng batangas para magbakasyon ng 2 araw.

"Jovs... Biglang tumawag ang manager ko... Me nakasched pala akong photoshoot ngayon... Susunod nalang ako... Promise.."

"Ha?... Bakit naman? Haiz!" irita kong bigla.

"Shh... Wag ng uminit ang ulo.... Susunod ako okey..." at madiin akong hinalikan sa labi.

Nakakunot parin ang noo ko. "Sure ha?"

"Oo naman... Matitiis ba kita..."

----
Dalawang araw ang lumipas, walang Chel na sumunod sa batangas. Hangang sa makabalik nalang kami sa Manila.

Di na muna rin ako tumambay sa bahay para hindi kami mag-abot. Minabuti kong magbabad pa sa park at coffee shop para makapagbasa at makapagsulat.  Alam ko namang busy sya sa training lalo na't kasama sya sa national team. Higit sa lahat, wala naman kaming relasyon. Kung tutuusin, magpinsan kami. Hindi ko dapat bigyan ng kahulugan ang kung ano man ang meron kami. Mananatili lang kaming magpinsan at yun ang dapat.

----

Maaga akong nagigising para maaga akong makahanap ng magandang pwesto sa park.

530 am palang, paalis na ako ng bahay.

"Jovs?"

Napalingon ako at nakita syang nakaupo sa veranda.

"Hi!" ngumiti nalang ako. "Ang aga mo namang nagising?"

"Actually kararating ko palang...." sagot nito. "Maaga kaming umalis sa Cavite kanina.... Ikaw.. San lakad mo at sobrang aga naman.."

"A... Eh.... Magjojogging ako..." sabi ko nalang. Buti pala nakapagrubbershoes ako.

"Hindi na ko nakatawag..."

"Wala yun... Alam ko namang busy ka..."

ifTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon