Chel's povTok...tok...tok...
"Ate... Ate... Pakiopen..." si Jovs ang kumakatok.
"O baket ba?" gulat ko ng bigla nalang itong pumasok at isinira ang pinto.
"Ate itago mo ko..." hingal nito. "Sabihin mo hindi mo ko kilala... " agad itong nagpunta ng kwarto at isinira rin ang pinto.
"A-ano?" ano bang pinagtataguan nya.
Tok...tok...tok...
"Jovs.... Jovs... Nakita kitang pumasok dito... Lumabas ka!" galit na boses ng babae.
Kaya binuksan ko nalang ang pinto.
"Sino po sila?" bungad ko sa babae. Napakabata pa nito at tila galit na galit.
"Oh... Rachel Daquis?" napanganga ito ng makita ako...
Napatango nalang ako.
"Di-dito ka nakatira.... So totoo.... Kayo nga..."
"A...eh..." di ko malaman sasabihin ko..
"Kala ko nagbibiro lang sya... So kayo pala... Hindi ko akalain... Pacencya... " nahihiyang sabi nito.
"A... Eh..."
"Hindi ko na sya guguluhin... Ako ang nagpupumilit... Sorry talaga... Uhmmm.... Fan mo talaga ako... Pwede bang magselfie tayo?" sabi nito at nilabas ang phone nya.
"O... Sure..." sabi ko nalang...kaloka talaga si Jovs.
At nagpicture nga kaming dalawa.
"Salamat ha... Pacensya na talaga..." nagpaalam na ito at umalis.
Isinara ko na ang pinto at nagtungo ako sa kwarto.
"Jovs... Jovs... " asan ba nagtago yun.
"Ate..." lumabas ito sa banyo. "Wala na?"
"Loko ka rin ano?" lumapit ako sabay hampas sa kanya.
"Teka teka naman..." iwas nito.
"Totoo ngang marami kang niloloko ano? At talagang ako pang ginawa mong front liner!"
"Sorry na... E alangan harapin ko yun eh ang kulit non!"
"Ako pa talaga!" inis ko at piningot ko tenga nya.
"Araaayyy..."
"Ano bang sinabi mo dun at pinagkamalan pa akong syota mo!"
"Ha? Talaga?" napangiti ito na hawak hawak ang tenga nya. "Nagdahilan lang naman ako na me... mahal akong iba..."
"Ikaw ha! Pag hindi ka pa tumigil sa kalokohan mo, isusumbong na talaga kita... Mga college pa yata yung mga niloloko mo... Jovs... Magseryoso ka nga!"
Napakamot nalang ito. "Mahirap gawin yun... Lalo na nung minsan ako nagseryoso....ako ang hindi sineryoso."
Aray naman.. Pinaringan pa ako ng mokang na to. "E anong gusto mong gawin sa buhay mo... Masaya ka sa ganyan!"
"Oo na.... Magbabago na po..."yamot nito. "Ate nagugutom ako."
"Tapos..."
"Tapos?" natigilan ito. "Wag na nga lang..." at lumabas ito ng kwarto.
"To naman... Tampurirot agad... Halika na!" habol ko at sumunod ako sa kanya.
"Wag na nga... "
"Jovs! O sige bahala..."
"Hinde.... Kakain na ako!" at dumiretso itong naupo sa me kusina.
"Sus... Arte mo talaga... Okey na ba ang pasta... Lagyan ko nalang ng tuna at pesto..."
"Kahit ano... Basta ikaw nagluto.."
Nakakamiss din ang kulitan namin ni Jovs. Buti nalang kahit papano, unti unting bumabalik yung dati naming samahan.
----
"Good night.." sabi ni Chris at hahalikan sana ako kaso agad akong umatras.
"Ah... Sige uwi ka na... Ingat sa pagdrive.." sabi ko. Mahirap ng makita kami ni Jovs dito. Nung isang gabi kasi, nasa veranda si Jovs at tanaw kami dito sa baba.
Wala na itong nagawa at sumakay na sa sasakyan. Saglit lang at pinaandar narin ito.
Palinga linga akong umakyat. Para kasing stalker itong si Jovs bigla nalang susulpot
"Ayyy!" gulat ko. "Jovs naman!"
"Bakit?" nakatayo ito sa me madilim na parte malapit sa hagdanan.
"Alam mo nakakainis ka na! Binabantayan mo talaga ang pag-uwi ko ano?"
"Ahh... Bakit hindi kayo sweet? Hindi ka nagpahalik."
Takte... Nakita talaga nya. "E kasi alam ko andyan ka!"
"Sinasanay ko na nga sarili ko eh... Na araw araw na kitang makikitang me kahalikang iba..."
Matalim ko nalang syang tiningnan. "So gusto mong matuwa ako?"
"Oo... Biruin mo... Araw araw ko lang dapat sanayin ang sarili ko... Makakalimutan ko rin na minsan nagmahal ako..."
Napapikit nalang ako sa narinig ko. Bakit parang me kirot parin akong naramdaman? Kahit ano naman sabihin ko sa kanya, kasalanan ko parin.
"Ate..." sabi nito ng di na ako umimik. Dumiretso na akong pumasok ng bahay ko. Agad itong sumunod.
Hinarap ko nalang ito. "Ano pa bang gusto mong ipamukha sa kin? Pwede bang sabihin mo na lahat para makapag move on na tayo... Pwede ba yung ganun... Para hindi mo ako pinaparinggan ng kung ano ano? Sa tingin mo ba madali para sa kin ha? Na sinadya kong saktan ka... Na ginusto ko yon? Ganon ba?"
Natameme lang ito.
"Pwede bang lumabas ka na... Pagod ako!" sabay talikod ko.
"Me sasabihin pa ako!"padabog ang boses nito.
Nanatili lang akong nakatalikod sa kanya. "Sige... Ano yon?"
"Miss na kita..." mahinang sabi nito.
Di ko na napigilan ang luha ko. Bigla ko nalang naramdaman ang kamay nya sa beywang ko.
"Miss lang kita... Ok lang bang payakap kahit 30seconds lang?" hikbi nito. At hinayaan ko na syang yakapin ako. Minabuti kong hindi humarap dahil naiyak na talaga ako. Nararamdaman ko ang luha nyang pumatak sa balikat ko.
Ilang minuto rin syang nakayap. Ng bigla itong umatras na.
"Salamat... Sige... Goodnight..." sabi nito at lumabas na.
