Part 17

864 22 0
                                    


 


"Babe... Babe!... Nakikinig ka ba?" paulit ulit na tawag Ni Wensh.

"Tsss.... Stop calling me babe okey..." inis ko at bumalik nalang ako sa pagbabasa ng mga post sa FB.

"So ganon... Totoo nga!... Hmmnnn... So ano tayo? Break na?"

"Wensh... Hindi naman tayo diba... Wala naman ngyari sa tin... Nagdadate lang tayo..."

"Oh... So kasalanan ko pa ngayon dahil walang ngyari sa tin kaya hindi tayo... E but we kissed... Anong ibig sabihin non?"

Ano ba kasing sasabihin ko sa babaeng to.. E sya lang naman tong mapilit... Kung tatapatin ko na naman ito, ako na naman ang masama..

"Wensh, ang sinasabi ko lang... Where not there yet... Eto yung nasa getting to know stage pa tayo.. Ikaw ba gusto mo nalang na dumiretso tayo don? Tapos pag di tayo nagkaintindihan, break agad. Ang akin lang, wag tayong magmadali okey... Ayokong saktan ka... Lets do this slowly but surely..."

Bigla itong tumabi sa kin. "Sorry... Hindi mo naman kasi maalis sa kin na magselos..."

Haist... Napapagod na akong magpaliwanag. Kung si chel lang ito, nasigawan ko na to. Haist! Bakit ba hindi ka maalis sa isipan ko? Matapos mo akong palayasin kanina!

"Jovs... Magbakasyon kaya tayo.."lambing nito at umakbay sa kin.

"Alam mo naman na hindi ako pwede di ba. Me beach volley pa ko... At sasali ako sa tryout para sa Fivb."

"E kelan ka magiging available... "

"Hindi ko alam... Ganyan yung mga bagay na sinasabi ko. Gustuhin ko mang makasama ka, pero tali ako sa trabaho ko. Kaya nga sana maintindihan mo. Besides mga bata pa naman tayo... Just let you doors open... Hindi naman ako hahadlang kung me ma meet ka na mas gusto mo kesa sa kin... I just want you to be happy..." drama ko.

"Really babe... Jovs pala.." at yumakap ito sa kin. "Sa tingin ko... Ikaw na talaga..."

Nakupo!

"So ano yung real score sa inyo ni Chel? Ang dami ng kumakalat simula ng ngtweet ka..."

Napangiti nalang ako. "Katulad lang natin... Nagdadate lang tayo di ba... Kasi at the end of the day, you still can't be sure of your true feelings. Mahirap ...Ayoko na kasing makasakit at masaktan..."

"I believe you..."


------

"Iha... Buti nakarating kayo... " bati sa min ng makapasok kami sa bahay nila chel sa taytay. Dumating kasi ang mommy nya mula sa Germany.

"Tita... Si Aly po..." pakilala ko ke Aly.

"Oo naman... Naaalala kita... Napakasikat mo na ngayon.." ngiti nito. "Teka pala Jovs... Me sorpresa ako sayo... Halika..." at inaya kami sa me bandang kusina.

"Jovs...." si mama pala. At agad lumapit sa kin at niyakap ako. "Anak... Miss na miss na kita.."

"Ma... Kamusta po kayo?" gulat parin ako at kaharap ko si Mama. Sa tagal ng panahon na di kami nag-usap.

"Ikaw ang kamusta... Di na ko nagdalawang isip na umuwi kasama ng tita mo... Gusto ko kasing sorpresahin ka... "

"Ganun po ba..." naiilang parin ako lalo na at alam ko na ang totoo.

"Jovs.... " haplos nito sa mukha ko. "Ikaw... Kamusta ka na... Napanood ko lahat ang mga laro mo... Eto ba si Aly... Kamusta iha..."

"Hello po..." bati ni Aly na nasa likuran ko.

"Marami akong pasalubong para sayo anak..."

"Mamya nalang po ma... Nagugutom na po kami..."

"Hala... Halikayo... " aya nito at sinamahan kami sa hapag kainan."Teka kukuha ako ng plato nyo..."

ifTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon