Pipihitin ko na sana ang doorknob ng me nasagi ang paa ko..Ano to? Sapatos? Panglalaking rubbershoes to ah????
Shit! Putcha! #₱@ht)&*
Napasabunot nalang ako at nagmadali na kong lumabas ng bahay nya.
Bakit nga ba ko pumunta dito? E hindi naman pala nya ako kelangan! Tinawagan rin pala nya yung lintek nyang.... Haiz kaloka!
Inis na inis ako na gusto kong manuntok!
"Jovs?"
Napalingon ako.
"Kiefy?" gulat ko ng makita syang nakaupo sa me veranda sa tapat ng unit ni Aly.
Shocks... Me tao pala.... Madilim kasi....
"Kanina ka pa?" hiya kong tanong.
"Jovs..." boses ni aly at galing sa loob ng bahay nya... "Buti dumating ka... Kanina pa kita tinatawagan... "lapit nito. "Si ate chel... Ang taas ng lagnat.."
"Ha?"
"Oo... Naabutan pa namin dito nakaupo sa veranda... Di daw sya makatulog... Tapos nga namumutla... Hirap nga syang lumakad... Kaya kinarga na sya ni kiefy..." kwento nito..
"Kala ko... Me..." naguguluhan parin ako... Kanino yung?
"Tara... Babalikan ko nga kasi pinainom ko ng gamot kanina..." aya nito.
"Love... Pakuha naman yung isang sapatos ko.... Natanggal dyan kanina..." suyo nito ke aly.
"A... Okey..." sagot nito at biglang tingin sa kin. "O ano... Tatayo ka nalang ba dyan?"
-----Dahan dahan kong pinupunasan ng mainit na bimpo ang kamay nya.
Sana bumaba ng lagnat nya. Sobrang nagpakapagod na naman ito sa practice... Feeling kasi ....sya si kuracha! Haist...
Napadilat ito. "Jovs...."
Ngumiti nalang ako. "Sinungaling ka! Sabi mo di kalang makatulog... E nilalagnat ka na pala!" sermon ko.
"At least andito ka na..." ngiti nito pero bakas parin ang panghihina nito.
"Gusto mo ng kumain... Nagluto ako ng tinola... " aya ko dito.
"Kelan ka pa natutong magluto ha." natatawa ito.
"Hah!... Marunong kaya ako... Lalo na kung.... ikaw ang ipagluluto ko.." ngiti ko dito.
"Hmpp... Talaga..." hinatak nito ang kwelyo ko para makalapit sa kanya. At dumampi ang labi nya sa labi ko. "Namiss kita..."
Ngumiti lang ako at pinagpatuloy ang pagpunas sa braso nya.
"Seryoso ka na ba talaga ke Cha?"
"Oo naman..."
Tumango lang ito.
"Eh ikaw... Seryoso ka na ba ke AJ?"
Napangiti lang ito. "E ano naman sayo?"
"Wala..." kibit balikat ko."Masama bang magtanong?"
"Oo! Lalo na kung ikaw ang magtatanong!"natatawa na napakagat labi ito.
Inilapit ko ang mukha ko sa mukha nya. "Ikaw ha!" sabay kiss sa labi. "Kain ka na... Dalhan kita dito..." at tumayo na ako.
"Thanks Couz...."
Ilang minuto lang bumalik ako sa kwarto. "Dapat marami makain mo..." sabi ko pagkalapag ng pagkain sa side table. "Susubuan na kita.."
"Iwan mo nalang yan dyan... Tumawag si Cha... Pinapauwi ka na..." nakakunot na sabi nito.
"Bakit mo kasi sinagot?" sabi ko at umupo sa gilid ng kama. "Oh... Subuan na kita." at itinapat ko ang kutsara sa bibig nya.
Umiwas ito. "Sabi ng iwan mo nalang dyan... Kaya ko na naman... "
"Chel... Mahina ka pa..."
"Darating naman si AJ mamya." nakayukong sabi nito at tila umiiwas ng tingin.
Tumayo nalang ako. "Okey.. " at kinuha ko ang phone ko na nasa kama. "Alis na ako..."tuluyan na kong lumabas ng kwarto.
Parang hindi tama...
Kaya bumalik ako.. Gulat nito ng makita ako.
"Chel..." naupo ako sa tabi nya at dalawang kamay kong hinawakan ang mukha nya. Di na ako nagdalawang isip na halikan sya. At tumugon din ito. Ilang saglit pa at saka naghiwalay ang mga labi namin.
"Tandaan mo.... andito lang ako ha..." bilin ko sa kanya. "Andito lang ako Chel..."
