Part 3

862 33 0
                                    


 


It's now or never.... Ang tumatak sa isipan ko kaya napapayag akong makipaglive-in ke Cha. Sa anong dahilan nga ba? Dahil mahal ko sya? Mahal ko nga ba? Nagdadalawang isip pa ba ako kung mahal ko sya?

"Couz?" boses ni chel. "Bakit... Ano ito?... Ipamimigay mong gamit mo... Bakit ang daming kahon?" sunod sunod na tanong nito.

"Ha?... Eh... Aalis na ko..." tama bang biglain ko sya?

"What? Pinalayas ka ba ni Lola dahil wala kang pambayad? Bakit di ka nagsabi? Babayaran ko...." alala nito.

"Hinde... Hinde ganon.... Err... Lilipat lang ako..."

"Sa bahay ka na?.... Buti naman nakapag isip ka na... Matagal ko naman na sinasabi sayo pwede naman tayo sa bahay ko... Malaki naman yung bed ko... " biglang nabuhayan ito.

"Chel... Hinde..." sabat ko."Lilipat ako sa condo ni Cha..."

Natigilan ito. Halos walang salitang lumabas sa bibig nya.

"Eh.... Kasi... Maglilive-in na kami... "

"Agad? Bakit ngayon mo lang sinabi? Matagal mo na bang plano yan?"

 "Bago lang din... Napag isipan namin na mas mabuting magsama na kami..."

"Two months palang kayo Jovs?... Tapos ano?... E wala ka pa ngang trabaho... Aasa ka nalang sa kanya... Ganon ba?"

"Maghahanap ako... Mas mabuti ng ganito para me direksyon ang buhay ko..."

"Direksyon?" napataas ng boses nito."Umaasa ka sa ibang tao para magkadireksyon ang buhay mo? E ni hindi mo nga magawang magbago para sa sarili mo eh?"

"Kaya nga..."

"Kaya nga! Tapos pag nagbreak kayo? San ka na naman pupulutin? Ni hindi ka pa nga makapagmove on sa nangyari sayo five years ago!"

"Stop!" sigaw ko. "Don't you dare! Sino ka? Stop acting like my mom... Sinasabi mo lang yan dahil wala ka ng mauutos utusan... Wala ka ng uunderin... Sinasabi mo lang yan dahil ayaw mo lang na umalis ako!"

"Ano?... Ina under ba kita... I may be mean to you pero hindi ibig sabihin yun inuutos utusan kita... Kung hindi ka pa sisigawan, hindi ka pa kikilos... Kesa naman tumambay ka lang sa bahay at buong araw masayang ang oras mo sa pagsusulat pero wala naman ngyayari... Oo... Inuutusan kitang ipagdrive ako... Para manumbalik sa yo ang paglalaro ng volleyball... Dahil umaasa ako na babalik ka... Babalik ka sa paglalaro! Dahil alam kong ito ang passion mo Jovs... At dito ka magaling... Pero sinasayang mo lang ang pagkakataon...."

"Hindi mo alam kung anong gusto ko!"

"Pwes... Sabihin mo nga sa kin kung anong gusto mo? Anong plano mo? Aber?"galit nito.

Ano nga bang gusto ko?

Napahawak nalang ito sa noo nya... "Bahala ka..." hikbi nito at pumatak ang luha nya. "Wala namang halaga sayo... " natigilan ito at bigla nalang umalis.

"Haist! Kaloka!" at binato ko ang isang box na naayos ko na.
 Shet... Mga vase nga pala laman non!

-----

Buti hindi naka double lock, kaya agad akong nakapasok sa bahay. Patay ang ilaw sa sala. Malamang nasa kwarto sya.

Dahan dahan kong pinihit ang doorknob ng pinto ng kwarto. Bukas din....

Patay din ang ilaw maliban sa isang lampshade sa me gilid ng kama. Mahimbing na nga syang natutulog. Kaya dahan dahan nalang akong tumabi sa kanya.

"Hnmmnnn.... Jovs?" nagising ito.

"Ah... E... Sira kasi aircon ko sa kwarto... Ang init... Di ako makatulog..." dahilan ko.

ifTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon