Part 16

887 23 0
                                    


 


Chel's pov

"Ate... Me papabasa ako sa yo... Pero wag kang mabibigla ha." sabi ni Aly habang nakaupo kami sa veranda.

"Ano ba kasi yan?" lingon ko sa kanya at inabot sa akin ang tablet.

"What!... Jusme... Sinong nagsulat nito... Teka san kuha to?" gulat ko sa isang post sa facebook.

"Dyan oh... Sa me pintuan mo mismo... Tapos yang isa parang dun kinuha sa baba... " turo ni Aly. "Ang tanong... Totoo ba?"

"Of course not... Itong kuhang to... Pinalalabas ko na nga si Jovs dahil ang kulit nya."

"Hmmmm... Mukhang di naman ganon sa picture... Parang naglalambingan nga kayo oh... Tumatawa pa si Jovs." sabi nito at zinoom ang picture.

"Hindi!... Inaaway ko na nga sya dyan..."

"Nakakaloko pa ang mga comments ng fans nyo oh... Sabi nito... Wow... Kung totoo ito. I'm so happy for my idols... Hahaha..." tawa ni Aly. "Eto pa...sabi... Bagay sila!!!... Eto naman... Kala ko tandem lang, lovers forever!"

"Tumigil ka nga..." saway ko dito at patuloy ko lang binabasa ang post. "Kelan nangyari to... Teka... Ito yung babae ni Jovs na sumugod dito... Oo...eto nga yun... Langhiya sya! Pinost agad!... E wala naman akong sinabi..."

"Pero ate... Bakit sabi nya umamin ka daw..."

"Hindi ako umamin... Wala nga akong nasabi dahil bigla na nga lang sumulpot yang babaeng yan."

"Hahaha... Ate... Eto na pala ang salarin!" tawa nito sabay turo ke Jovs na kararating palang.

"Hello girls... " ngiti nito at umupo sa upuan kaharap ko.

"Jovs! Nakita mo na ba to! Kasalanan mo to!" bungad ko.

"Aba! Kasalanan ko agad!... Ano ba yan kasi?"

"Eto o... Me post... Gonzaquis tandem, lovers for real!" ngiti ni Aly at ipinasa ang tablet ke Jovs.

"Aba!" gulat nito ng makita ang post. "Ang cute ko naman dito... San kuha to?"

"Gaga! Dyan yan sa harap ng bahay ko... Yung babae mo... Hindi pala umalis agad... Inabangan ka pang lumabas at kaya nakuha yan." inis ko.

"Teka... Sabi dito... Ikaw ang nakausap nya at.... Hahaha.." biglang natawa ito. "Inamin mong magsyota tayo! Ahahah!"

"Hibang ka ba! Bakit ko naman gagawin yun... Inakala lang nya na tayo...pero wala akong sinabi.."

"Bes... Parang movie ano!" tawa ni Aly. "Flashback.... Natunton ng isa sa mga babae ni Jovs ang kanyang tinitirhan... Madali syang sumunod... At kumatok kung saan pumasok si Jovs... "

"Tapos..." ngiting ngiti si Jovs.

"Tapos isang maladyosa ang nagbukas ng pintuan... Na ang tanging suot ay t-shirt at underwear lang..."

"Sira! Hindi ako nakapanty lang! Me shorts ako!" hampas ko ke Aly.

"A okey... Haba kasi ng shirt mo dito.. Para kang... Hehehe... Anyway.." patuloy nito. "Nagulat ang babae sa nakita nya... Si Rachel Anne Daquis pala!... Tapos... Naguluhan ang babae kung bakit dito sa bahay na ito pumasok si Jovs... Ahhh... So naisip nya na kayo nga... At nung tinanong ka... Di ka nakasagot kasi sa bilis ng pangyayari.... At hindi pa nakuntento ang babae... Naghintay sya ng ilang oras sa likuran ng puno na yun...para makakuha ng litrato... Waley!.... Isang oras lang, nakita kayong naglalambingan sa pintuan... And... Perfect!"

"Tse! Anong naglalambingan... Inaaway ko nga yan!" alma ko.

"Hehehe... Ate relax... Ano bang ikinagagalit mo... E kung tutuusin mas malala pa yung iba dyan... Sus sa wattpad palang... Mag-asawa na nga tayo dun... At me anak pa...hahaha" natatawa ito na napasandal...

ifTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon