Part 7

853 24 0
                                    


 


"Buti naman sumama ka?" sabi ni Aly ng makapwesto kami sa harapan para makapanuod ng PSL beach volleyball.

"Oo... Para mapicturan ako kasama ka..." ngiting ngiti ako at kaway ng kaway sa bawat photographer na kumukuha ng picture. "Susundin ko na kasi yung boss ko... Mag iinterview ako ng mga volleyball players.."

"Tumigil ka na nga sa kakakaway..." pigil nito sa kamay ko."Magsisimula ng game..."

"To naman... Gusto ko lang maging sikat kahit saglit..."

"Sira... Sikat ka na nga e... Kaso... Ewan ko ba sayo..." irap nito.

"Hi aly..." lapit ng isang reporter. "Ok lang ba isang mabilis na interview lang... Isang tanong lang?"

"Sige..."

"Graduating ka na at iiwan na ang ateneo team. Ngayon ba ay papasok ka na sa pro volleyball at sasabak narin sa beach volleyball na tulad nito?"

"Oo naman.... Dun naman din papunta ang career ko.." ngiti nito.

"Teka...." bigla akong napansin ng reporter. "Di ba ikaw si Jovelyn Gonzaga? Ang three time champion ng Nestea beach volley sa bora?"

"Ah... Eh... Oo ako yun dati..." ngiti ko nalang.

"Matagal ka naming hindi nakita mula nung huli kang nag guest player sa Army... Babalik ka na ba?"

"A...eh..." di ko malaman ang isasagot ko at naaasiwa ako sa camerang nakatutok sa amin.

"Babalik na po sya..." sabat ni Aly at inakbayan ako. "Magpapakitang gilas nga po sya dyan mamya.."

"Hinde... Hinde... Joke lang yun..." alma ko.

"Pero Jovs sana bumalik ka na... At lalo na pag kayo pa ni Aly ang nagtapat. Isang kaabang abang!" huling sabi ng reporter ng tinawag na sya ng Crew dahil magsisimula na.

"Ikaw talaga... Ipapahamak mo pa ako.." duro ko ke Aly.

"Hahaha... Tingnan mo... Me nakakilala pa sayo.." tawa nito. "Bes... Teka... Diba yun yung boyps ni ate Chel?"

"Ha..." kaya napatingin ako sa tinuturo ni Aly.."Oo... Si Aj..."

"Bes tingnan mo... Bakit parang?... Beki ba sya?"

"Nu ka ba pano magiging beki yan... Macho..."

"Bes tingnan mo... Dali... Yung kamay nya... Di nya inaalis sa hita nung katabi nya..."

Kaya tinitigan ko narin... OMG!

"Nakita mo yun?" sabay pa kami ni Aly.

"Shet!... Bes... He's 100% beki... Gosh..." pailing iling si Aly. "Bes... Ano yung sa kanila ni Ate chel?"

"Parang gusto ko syang suntukin..." at agad akong tumayo.

"Teka... Teka bes... " hila nito at pinaupo ako ulit. "Hindi ka pwedeng gumawa ng eksena dito bes... Mamya nalang okey... Me alam akong pwede nating gawin." bulong nito.

-----
"Ready ka na..." tapik ni Aly ng sinundan namin pumunta sa likuran si Aj.

"Yes.... Lets get it on!" at naghiwalay muna kami ni Aly.

"Hi Aj..." bati ko rito ng makalapit sa kanya sa likuran ng court.

 "Hi Jovs... Nandito ka pala... Nagkita na kayo ni Chel?"

"Ha? Andito sya?" bigla akong kinabahan. At mas dumami pa ata tagaktak ng pawis ko at sinabayan pa ng tirik na tirik na araw.

"Kasama nya mga taga Army... Para magcheer sa next game.." ngiti nito. "O... Eto na pala..." kinawayan nito si Chel.

ifTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon