"Couz... Ibalik mo na nga sakin susi ng bahay ko." sabi ko rito ng makapasok ito sa sasakyan."Bakit?"
"Baket?" napataas ng boses ko. "Kasi bahay ko yon at kelangan ko ng privacy!"
"Nagbreakfast ka na ba?" ngiti nito. "Al pesto sandwich... You're favorite." sabay abot nito.
Nakakunot parin noo ko at matalim ko syang tiningnan.
"Oo na... Ibibigay ko mamya.." alo nito at bigla nalang akong sinubuan. "Masarap di ba?"
Sinimulan ko nalang paandarin ang sasakyan.
Masarap nga. Wala naman akong masabi.
Nga pala... Ang pinsan kong spoiled brat... Si rachel anne daquis lang naman. Hindi ko alam kung san ito pinaglihi... Tawag nga sa kanya 'Dyosa'. Ang iba naman 'Queen Tams'. At super dami ng fans nya. Well... Volleyball player din kasi. At sabi nila magaling dahil makailambeses na naging MVP. Pero ako, di ako bilib. Pano ba naman. Monster pag kasama ko. Charming daw sabi nila. Pwe!"Nakausap ko si Tita... Magkasama sila ni Mommy nung nakausap ko... Di mo daw sinasagot ang mga tawag nya."
Si mama na kapatid ng mommy ni Chel na parehong nasa Germany. Pareho kasi silang nurse. Pero simula ng nagtapat si Mama na nagkaroon na sya ng ibang pamilya doon, dun narin nagsimulang tumamlay ang relasyon namin.
"Jovs... Nakikinig ka ba? Kausapin mo na kasi si Tita. Alam ko mahirap tanggapin pero...sobrang tagal na...Buti pa nga sustentado ka parin diba."
"So dapat bang ikatuwa ko pa yon?" alma ko. "Sinabi ko bang pumunta sya doon at sustentuhan ako dito."
"Couz... Pareho lang naman tayo di ba? Andun din si Mommy."sabi nito. "Sige na nga... Di na kita pipilitin.." pansin nito ng di na ako umiimik.
"Musta na pala work mo? O me work ka pa ba?"
"Oh c'mon couz... Stop acting as if you care... Pano naman papasa mga write ups ko? You always call me for your rescue..."
"Eto naman... Hindi naman lagi ah..."
"Hah!" tawa ko. "Eh yung ginawa mo kanina? Anong tawag don? "
"Couz.... Well... Hindi naman work yun... Kesa magbabad ka kasama ng girlfriend mo... Why don't you look for a real job. Bakit ayaw mo kasing mgtryout sa Army."
"At ano? Para maging katulad mo?" irap ko. "Please stop okey. I have a job and I love my job."
"Well... It doesn't pay the bills... You know."
"Just stop okey!" nairita na ako.
Huminto muna kami sa gas station. Shet me pera ba ako?"Eto na..." sabi nito at inabot sa kin ang 1,000 pesos.
"Hi-hinde... Meron ako." sabi ko habang kinakapa ang bulsa ko.
"Couz... Take it..." pilit nito kaya kinuha ko nalang at inabot sa gas boy.
"I'll pay you." sabi ko at inistart ang kotse.
"Hindi naman ako naniningil." ngiti nito. "I love you couz...you know that right."
Di nalang ako umimik. Mabait naman si Chel sa ganitong pagkakataon. Kaya nga kung utusan nya ako, wagas din. Minsan nga naisip ko, pano ko pa sya mababayaran. O buong buhay na ba akong anino nya?
----
"Why don't you stay nalang? Kesa bumalik ka pa para sunduin ako." sabi nito ng makarating kami sa Army gym.
"Sino me sabing susunduin kita?" sabi ko at tinulungan syang maibaba ang dalawang bag nya.
"Jovs... Alam mo namang sira ang car ko di ba?"maktol nito.