Chel's pov"Jovs salamat ha..." sabi ko ng maipark nya ang sasakyan sa harap ng gate namin.
"Wala yon... " ngiti nito ng lumingon sa kin.
Alam kong ayaw pag-usapan ni Jovs kung ano man yung ngyari sa min. Mahirap din sa kin ipaliwanag sa kanya kung bakit magpapakasal ako. Pero mahirap isantabi na me ngyari sa min. Kahit ako, hirap kong limutin yon.
"Jovs alam kong ayaw mong pag-usapan... Pero I just want to clear the air between us..." panimula ko. "Thank you for loving me... Sana manatili lang yung ganitong friendship natin..."
Tahimik lang itong nakahawak sa manibela.
"Jovs I don't want to lose you... As a friend... Sana..."
"Don't worry... " sabat nito."Hindi ako hahadlang sa kasal mo..."
"Jovs...." hikbi ko. Ramdam ko ang pait sa mga madiin na salita ni Jovs.
"Okey na.... Tanggap ko, na hindi ako pinili mo... Pero... Pwede ko bang malaman kung bakit.... Bakit ka magpapakasal?"
Palihim kong pinahiran ang luha ko. "Mabait si Chris... Mahal nya ko... "
"Mahal mo na ba sya?" napatitig ito sa kin.
Umiwas ako ng tingin.. Siguro??? Kelangan ko bang sagutin?
"Hindi mo kelangang sagutin..." ngumiti ito. "Me hihilingin lang sana ako."
"Sige..." hindi parin ako tumitingin sa kanya.
"Pwede bang kalimutan na natin ang lahat... Alam kong mahirap...Sobra.... Pero magagawa natin... Uhmmm... Lets start all over again... Tutal hindi na naman tayo magpinsan... Pwede bang kunyari hindi tayo magkakilala?"
"Ha?" naguluhan ako sa sinabi nya.
"Yah... Hindi tayo magkakilala... Mamaya palang tayo magmemeet... Parang movie lang... At least walang past di ba..." nakangiti ito. "O ano game?"
-----Nauna akong umakyat sa taas. Kalerki talaga ang gustong mgyari ni Jovs... Parang movie? Nahawa na talaga sya ke Aly.
"Miss... Sorry.... Dito ka rin ba nakatira?" natawa ako sa bungad ng mokong na ito. Parang role playing lang.
"Hah?" natatawa ako sa asta nito na parang Promdi. "Yes... Ikaw na ba yung bagong lipat sa kabila?" hirit ko. Magaling kaya akong umarte.
Palihim itong tumawa. "Yah... I'm Jovs.." at inabot nya ang kamay nya.
Nakipagkamay narin ako. "Oh... Ako naman si Rachel... Rachel Daquis.."
"OMG... Sabi ko na nga ba me kamukha ka... Shet... Biruin mo kapitbahay ko, Queen Tams! Fan mo kaya ako..."
"Hahaha..." natawa ako."Sobra ka naman! Ikaw nga me kamukha ka?"
"Hehe.... Naglalaro din kasi ako... Magsisimula na nga ako magtraining para sa Army.."
"Talaga... E di magiging teamates tayo... Lagi akong naglalaro para sa Army..."
"Uyy... Buti nalang me nakilala na agad ako... Hirap din ng bagong salta dito sa Manila... Dami ko pa ngang aayusin sa bahay ko..."
Para lang kaming engot na naglolokohan.
"So wala ka pang mga gamit dyan?"
"Oo... Konti palang... Baka me malamig na tubig ka... Nakakauhaw pala... Hahaha... " natural na tawa nito.
"Halika na nga... Pasok ka..." at inaya ko sya hangang kusina."Me juice or coke..."
"Tubig... At beer?" tawang tawa ito.
"Parang meron..." ngiti ko.."Pwede nating icelebrate ang first night mo sa bagong bahay mo!" at naglabas ako ng dalawang bote ng beer.
"Totoo pala sabi nila... Mabait ka nga daw... At maganda pa!"
Tonta to. Mambola ba."Hindi naman..." di ko mapigilan ang ngiti ko. Feeling ko nagblush pa ata ako.
"Totoo... Lakas mo ngang tumira eh... Minsan nga bigyan mo ako ng mga tips... "
"Oo ba..." naupo ako sa dining. "Magugustuhan mo ang Army Team... Mababait silang lahat.."
"Swerte ko naman... E ikaw palang solve na..." ngiti nito. "Are you dating someone?"
"Nope..." sagot ko. Sobrang cute naman ng ngiti nito.
"Oohhh... No time for love?" naupo ito sa katabing bangko na kinauupuan ko.
"Training at modelling kasi ang career ko." ngiti ko.
"Alam mo hindi maganda yan... All work and no play?" titig na titig to sa kin.
"Hahaha.... Nagdadate naman... Paminsan minsan..." natawa ako sa sagot ko.
"You know what... Me magandang place sa Batangas....... Dadalhin kita don... Makakalimutan mo pangalan mo!"
"Talaga! Naexcite naman ako..."ang cute ng ngiti ng mokang na to. "Me chocolate cake pala sa ref..."naalala ko bigla kaya tumayo ako at kinuha ito.
"Cake and beer? Perfect combination... Gutom na pala ako! Hahaha..." tawang tawa ito kaya pinaglagyan ko na sya sa platito.
"Eto oh..." sinubuan ko sya.
"Hmmm...hmmn... " ngiti nito at me natirang chocolate sa labi nya.
"Teka..." hinawakan ko pisngi nya. "Me natira sa labi mo." papahiran ko sana ng tissue ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko.
"Masarap yan kung...." bigla nitong nilapit ang labi nya sa labi ko. Sobrang tamis nga!!!
"Hmmnnn..." napakagat labi nalang ako ng humiwalay na ang labi nya.
"Masarap di ba?" nakakaloko ang ngiti nito at biglang humalik ulit. At mas madiin ngayon at pigil ang hininga ko.
"Shett...." tangi kong nasabi sa tamis ng halik nya. Bigla yata akong pinagpawisan lalo nat ramdam ko ang paglapit nya.
"Hola! Cuervo! Como esta amigas!"
Shet!
Pareho kaming natigilan ni Jovs... Si Aly!!!
Ano ba kasing ngyari? Pareho kaming.....????!!!"Hey... You two okey?" lapit nito ng di parin kami umiimik. "Mukha ba akong multo..." nakapamewang na ito.
"Aly!" biglang tayo si Jovs at niyakap ito. "Buti dumating ka..."
