"Woooowww....." gulat ni Aly ng bigla lang itong pumasok sa bahay ni Chel. Naabutan kaming nakaupo sa sofa at nakaakbay ako ke chel habang nanonood ng TV. "Meron ba akong hindi alam?""Aly... Oa ka..." nasabi nalang ni Chel.
"Teka muna... So naganap ang plano mo?"
"Anong plano??"napatingin tuloy sa kin si Chel.
"Eh... Hehe..." tinapik ko tuloy si Aly. "Wala.... Lokoloko lang yang si Aly..."at agad ko syang niyakap sa beywang.
"Teka nga..." singit uli ni Aly."Kayo na ba? Pano si Chris?"
"Hindi pa naman kami..." sagot ni chel.
"Ano? " alma ko. "Hindi pa tayo?"
"Jovs...." nangiti ito sa reaksyon ko at hinalikan ako sa pisngi. "Cute mo pag nagagalit ka..."
"Ehem... Totoo na ba talaga yung nakikita ko?" umupo na si Aly sa katabing sofa.
"Chel... Totoo na nga ba?" kahit ako hindi sigurado. Pano nga naman si Chris.
"Kayo ha... Kakausapin ko naman si Chris... Dapat sana nga ngayong gabi kaso nasa training pa sya... Duda ka ba?" parang napikon ito.
"Hindi... Hindi... Uhmm... " tangi ko. "Syempre naniniwala naman ako."
"Pwede naman... Wag nalang..."at biglang tumayo ito. "Umuwi na nga kayo sa mga bahay nyo!" taboy nito.
"Eto naman..." hawak ko sa kamay nya.
"Hahaha... Kala mo makakaisa ka na ngayong gabi ano?" biro ni Aly.
"Kasalanan mo! Okey na eh..." hataw ko ke aly.
"Sige na lumabas na kayo!" inis nito.
"Chel..." at pinagtulakan kaming palabas. At biglang sinara ang pinto.
"Haist!" napakamot nalang ako sa ulo. "Ikaw naman kasi eh."
"Hahaha... Bes... Di ba me susi ka naman... "
"E nasa bag ko yung susi na naiwan sa loob!" yamot ko.
"Hahaha... Kung minamalas ka nga naman... Sa labas ka na matulog... Sige bes... Goodnight..." at iniwan narin ako nito.
"Chel... Buksan mo na naman..." katok ko sa pinto nya. "Anjan din yung bag ko. "
Biglang bumukas ang pinto.
"O... Bag mo!" hagis nito sa kin.
"Teka..." harang ko sa pinto. "Eto naman... Papasukin mo na ako..."
"At baket?" irap nito.
"Dahil miss na kita agad...." pacute ko.
"Talaga... Ano muna yung sinasabi ni Aly na plano mo ha?"
"Yun?... Wala yun... Wag kang..."
"E di wag..." sabat nito at isasara na ang pinto ng humarang ako ulit.
"Sige na... Sasabihin ko na..."
"O ano nga yon?"
"Haist... Plano ko... Plano ko lang naman na mahalin ka... Na... Na gawin kung ano mgpapaligaya sayo... "
"So yung kanina... Plano mo yun... Yung nagbait baitan ka... Yung dinala mo ako sa designer... Yung hiniling mo na maging maid of honor ko?" nakapamewang na ito.
"Mabait naman talaga ako... Chel... Oo.... Syempre hindi naman... Hindi kita isusuko agad... Dahil gagawin ko lahat... "
"Ahhhh.... So ginawa mo yun para lang lumambot puso ko sayo... Para maisip ko na madali mong natanggap ang plano kong pagpapakasal... Para maramdaman ko na kinakaya mo lahat kahit saktan pa kita... Ganon ba? "
"Chel.... Mahal kita yun yon!... Kahit ano pang ginawa ko... Anong pang dahilan ko.... Ginawa ko yun dahil mahal kita... At alam kong ako ang mahal mo.... Hindi ko na kayang... mawalay pa sayo! Take it or take it!"
"Ano?" at napangiti ito.
"Take me na kasi..." yamot ko.
"Pano kung sabihin ko sa yo...."
"Na mahal mo ko?" ngiting ngiti ako.
"Hindi!"
"Ha... Naman..."
"Sabi ko hindi... Dahil... I love you jovs!" at hinatak na ko sa loob ng bahay.
Di ako makaimik at nanatili lang akong nakatayo. Totoo bang narinig ko?
"O ano..." hawak nito sa pisngi ko. "Umiiyak ka?"
"Ah... Eh... Kaytagal kong hinintay na marinig yan...." at di ko na napigilan ang luha ko.
"Halika nga dito..." at mahigpit akong niyakap."Araw araw ko yan sasabihin sayo... I love you, Jovs..."
