Buzzz... Buzzz....Haist ano ba yun?
At tinabunan ko nalang ng unan ang ulo ko.
Buzzzz... Buzzzz...
At lalo pa itong lumakas."Haist naman!" at hinanap ko kung saan nagmula ang ingay. "Susme! Alarm clock lang pala!"
"Honey... Sorry.. Di ko agad napatay... Nasa banyo kasi ako." sabi ng babae na nakatapis lang ng puting towel.
"Si..." teka. Naguluhan ako. Nasan ako?
"Gusto mo na bang magbreakfast..." sabi nito habang pinapatuyo ang buhok nya. "Magbibihis lang ako tapos ipagluluto kita."
Sino nga ito? Nakainom na naman ba ako kagabi? At namick up na naman kung sino nalang? Hahay Jovs.. Pero pamilyar mukha nya...
"Okey ka lang.." pansin nito ng palinga linga ako.
"Oo... Medyo masakit lang ulo ko." sabi ko nalang. Mahirap ng itanong ko kung sino sya at baka masampal na naman ako.
"Me gamot dyan... Nga pala tuloy tayo mamya?"
"Saan?"
"Sa party... Sa lasalle victory party.."
"Ha... Baket?"
"Di ba ipapakilala nga kita sa mga friends ko... They are so excited to meet you..."
Loko to ah... Me ganon? Tapos la salle pala to? E malamang andun si Cha!
"Hindi pala ako pwede..." at nagmadali na kong nagbihis.
"Pero sabi mo..."
"Hindi ko maalala, okey!" giit ko.
"So ganon nalang yun? After mo kong makuha... Ganon nalang?"
"Ano bang nakuha ko sa yo na wala ako? E di ba pareho lang tayo? So bakit ko kelangan kunin kung meron naman ako... At meron ka rin?"
"Fuck you!" sabi nito at sinampal ako.
"Shet!... "hawak ko sa pisngi ko.
"You are just like the rest!" sigaw nito."Damn you!"
"Whatever!" at agad na kong lumabas ng kwarto.
Kalerki ka naman Jovs... Pang ilang beses na to!
-----"Bakit ampula ng pisngi mo?" nakatitig si Aly habang nagkakape kami sa isang coffee shop.
"Tisay ako eh..."
"Bakit isang pisngi lang? Nasampal ka na naman ano?"
"Hinde..." tangi ko.
"Pang ilan na ba ito? Ahhh... Nung isang araw halos mag asawang sampal ang nakuha mo dahil ibang pangalan ang nasabi mo na hindi pala yun ang name nya... Malamang ganun din yan ano?"
"Wala ito..." tangi ko parin.
"Jovs buti wala pang nagrereport sayo... Kung hindi, talsik ka talaga sa army."
"Hindi mangyayari yon... Ako kaya inaasahan nila..."
"Mayabang karin ano?"
"Sobrang focus ako pag game... At di ko sila binibigo!"
"Andun na ko... Pero hindi na tama yang ginagawa mo... Manloloko ka na eh..."
"Bakit? Sinabi ko bang magpaloko sila? At isa pa... Dapat ko ba silang seryosohin... Kung sa bandang huli... Iiwan din nila ako... Dahil ni kelan hindi ko sila kayang bigyan ng anak... Kaya iiwan nila ako at magpapakasal sila lalaki!"
"Bes.... Nalulungkot ako sa ganyang paniniwala mo..."
"Totoo naman diba? Bakit ko sila dapat seryosohin? Kelan ba naging masaya ang mga gay na tulad ko? Sabihin mo nga? Walang forever sa mga tulad ko!"
"So kaya ka nagkakaganyan?"napapailing ito. "Tama ba na manloko ka kasi hindi ka masaya... Kaya damay damay na...dahil ba minsan kang nabigo kaya bibitaw ka nalang..."
"Nabigo ka dyan... In the first place... Di naman tama yung sa amin ni Cha..."
"Hindi naman si Cha ang tinutukoy ko..."sabi nito. "Bes alam ko... Kahit hindi nyo inamin sa kin... Alam kong mahal mo parin sya... Mahal mo parin si ate chel..."
"Hibang ka ba?"
"Bes... Dati ko ng napapansin... Yung sa inyo ni ate chel....kaso ang pumipigil sa inyo... Dahil magpinsan kayo... Pero hindi na naman kayo magpinsan diba?"
"Ganito lang yan... Parang movie diba.... Gusto mo irewind natin..." dagdag ko. "Parang isang araw nagising ka nalang at bigla kang kinutuban dahil iniisip mong baka ampon ka nga lang... Tapos nakumpirma mo pa ito sa isang tao na buong buhay mo inilaan ang puso mo... Tapos magtataka ka...bakit di nya nagawang sabihin ng mas maaga...na alam nyang yun ang tanging pumipigil sa pag-iibigan namin... Hindi kaya... Mula noon paman...wala talaga syang nararamdaman dahil curious lang sya kung ano ba talaga ang feeling na magmahal ng isang tulad mong babae.... O kaya... Minahal ka nga nya... Pero hindi ka naman kayang panindigan dahil nananaig parin ang pagiging babae nya... Na ang tanging pangarap ay mag-asawa at magkaanak at bumuo ng isang masayang pamilya..."
"Jovs.... " wala na itong masabi at hinawakan nalang ang kamay ko.
"Tama naman ako di ba? So bakit ipipilit ko pa? Sobra na kong nasaktan... Tama na..." tumulo nalang ang luha ko....
-----