Chel's pov"O isa pa..." sigaw ni ate tina at nagset ng bola.
Pak!
"Aray!" sigaw ko ng namali ang bagsak ko.
"Teka...." biglang saklolo ni ate tina. "Mukhang sprain..."
"Okey ka lang..." biglang sulpot ni Jovs sa tabi ko. "Kelangan mong mapacheck agad yan... Punta na tayo sa clinic."
"O... Dahan dahan.... " alalay ni ate tina at pinaakbay ako ke Jovs. "Kaya mo ba?"
"Kaya naman... " ayaw ko sanang si Jovs ang sumama sa kin. Dahil kahit lagi kaming magkasama sa practice, di naman kami nag-uusap.
"Kami nalang ate tina" sabat ni Jovs."Kaya ko na to.." at nagsimula na kaming maglakad.
"Kaya ko naman maglakad mag-isa..." naiilang kasi ako sa hawak ni Jovs sa beywang ko.
"Tumigil ka na nga... Halatang hirap ka nga eh... " at mas lalo pang humigpit ang kapit nito.
Buti nalang at di kalayuan ang clinic. Agad naman binigyan lunas ng therapist namin ang pananakit ng paa ko. Matapos nya itong lagyan ng bandage. Iniwan narin kami. Ngayon lang ulit ngyari ito, si jovs at ako lang sa isang kwarto.
"Konting pahinga lang, magiging okey na rin yan. " sabi nito. Halatang nag-alala ito. Inakala ko pa namang kinalimutan nya na ako ng malaman nya ang totoo.
"Jovs..."
"Ihahatid na kita... Malamang mahihirapan kang magdrive..." at napatitig nalang ako sa kanya. Bigla ring bumilis ang tibok ng puso ko ng hinawakan nya ang beywang ko para magawa kong tumayo.
"Ay... Ay..." ramdam ko parin ang kirot.
Napangiti ito. "Okey ka lang..." at kinuha nya ang kamay ko para ilagay sa balikat nya. "Dahan dahan lang tayo para di mapwersa..." alalay nito.
Nanatili lang akong nakatayo at sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa.
"Jovs... Salamat... Sana hindi ka na galit sa kin."
Napatitig ito. "Wag mo ng isipin yun... Isipin mo nalang, ginagawa ko ito dahil teammate kita."
"Jovs... Nag-aalala ako para sayo... San ka ba nakatira ngayon? Pwede ka naman sa bahay... O kung ayaw mo, dun sa kabila... Bakante pa naman yun..."
"Okey lang ako... Hindi mo kelangang mag-alala... Dahil hindi naman tayo magkamag-anak... Hindi mo ako obligasyon.."
"Jovs naman... Hindi mo maiaalis sa kin yun... Pati mama mo nag-aalala... "
Ngumiti nalang ulit ito. "Pakisabi... Wag syang mag-alala... Okey lang ako... Kelangan ko lang makalimot...."
Tama bang sabihin nya yon. Gusto nya na akong kalimutan. Bakit ba ako naapektuhan? Hindi ko sya mahal... Hindi tama tong nararamdaman ko.
"Chel..."Gulat ko ng makita si Chris sa me pintuan. "Buti pala napaaga ako... Pagkasabi nila sa kin, diretso na ko dito." sabi nito at hinalikan ako sa noo."Okey ka lang ba?""Chris... Oo okey na... " sinulyapan ko si Jovs na bahagyang umatras.
"Tara... Uwi na tayo... Jovs... Mauna na kami." at agad akong inakay palabas ng clinic. Di ko na nagawang magpaalam ke Jovs. Tinanaw ko lang sya sa malayo na nanatiling nakatayo sa labas ng clinic.
-----
"Ate.... " tawag ni Aly at dirediretsong pumasok sa bahay. "Pinagluto ako ng mommy ni Kiefy... Masarap ito kaya kumain ka ha..." at ipinatong ang dala nya sa lamesa.
"Salamat..." nanatili lang akong nakaupo sa sofa. "Aly... Nagkakausap pa naman kayo ni Jovs diba.... San sya nakatira?"
"Uyyy.... Concernnn...." biro nito. "Bakit gusto mong malaman? Di ba ikakasal ka na?"
"Bakit bawal bang magtanong? Nag-aalala kasi ang mama nya."
"Ang mama lang ba nya? O pati... Ikaw..." loko nito at inabutan ako ng pagkain na dala nya.
"Pwede ba..." irap ko nalang sabay subo ng pagkain. "Hmmnnn masarap... Si tita mozzy ang nagluto..."
"Masarap talaga yan... Pero wag mong ibahin ang usapan..."
"Ewan sayo!" patuloy lang ako sa pagnguya.
"Nabalitaan mo bang nung minsan sya natulog dun sa Army quarters... Sinugod sya ng isa sa mga babae nya... Hahah..." kwento nito.
"Ano? Sinong babae?" nagulat ako sa narinig ko.
"Oopppsss..." at biglang tinakpan ng kamay ang bibig nya.
"Aly... Ano bang nangyayari ke Jovs..."
"Hindi ba nakwento sayo ng mga kasama mo?"
"Hindi... Teka... Marami syang babae?"
"A... E... Hindi..." biglang bawi nito.
"Aly!" kunot noo ko.
Napanganga nalang ito. "Ate... Hayaan mo nalang si Jovs... Pinagsabihan ko na... Tyaka hayaan mo na at gusto ka lang kalimutan non."
"Sinabi nya yon?"
"Ay... Hehehe... " tangi nito."Ate... Totoo naman din diba... Magagawa mo bang iwan si Chris para ke Jovs? ... Ate... Hayaan mo nalang muna si Jovs para di na umasa...hirap na hirap na yung tao."
"Kasalanan ko... Hindi naman din kami nag-uusap tuwing practice... "napayuko nalang ako at di ko napigilang mapaluha.
"Kaya ayaw ko magkwento sayo eh... "alo nito. "Ate... Magiging okey din kayo ni Jovs... Uhmmm...ate.. Tanong ko lang... Minahal mo ba sya...na higit pa sa magpinsan?"
"Ayaw kong pangunahan ang nararamdaman ko... Ako ang matanda sa ming dalawa... Dapat di ko hinayaan na mangyari to...pero...pero minahal ko sya.... Kaso anong sasabihin ng pamilya ko.. Itinuring namin syang kapamilya...kamag-anak...kahit hindi kami magkadugo... At sa kin sya binilin ng mama nya... Sa tingin mo ba magagawa kong biguin sila?...kaya aly...matatahimik lang ako kung makikita kong maayos ang kalagayan nya...kung magagawa mo sana syang pabalikin dito."
"Ate...mahirap ata yun...depende nalang kung makakayanan mong makita mga kalokohang ginagawa nya..."
----"Jovs welcome back..." bungad ko rito pagkarating ko at makita syang nagpapasok ng mga gamit nya.
"Totoo bang binayaran ni Mama ang tatlong buwan na renta nito?"
"Oo... Wag mo ng tanggihan... Sobrang nag-aalala na kasi ang mama mo... At mabuti narin yun na makitang andito ka pagluwas nya..."
"Sana di sila magtagal dito..." nasabi nito habang tinutulak ang isang karton.
"Jovs.... " bigla nalang akong natigilan. Mahirap pagsabihan si Jovs at di naman to nakikinig. "Maiwan na muna kita..."
"Pinabalik mo ba ako dito para gabi gabi kong nakikita na hinahatid ka ng fiancee mo?"
"Jovs... Bahala ka kung ano gusto mong isipin.... Kagustuhan to ng mama mo." at agad na kong pumasok sa bahay ko.
Relax ka lang chel... Sabi nga ni Aly... Nahihirapan si Jovs ngayon at malawak na pang-uunawa ang kelangan nya. Kahit sobra rin akong nasasaktan..
Kreekkk...
Bumukas ang pinto.
"Jovs... Ta-tapos ka ng maglipat?" bigla akong kinabahan.
Agad itong nakalapit sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Chel.... Uhmmm... Ate chel pala..." napangiti ito. "Nakalimutan kong tawagin kang ate ano... Simula nung ... Hayaan mo ngayon... Ate chel na ang tawag ko sayo... At sorry...sorry dahil minahal kita...."