Part 20

820 23 0
                                    


 


"Ahahaha... Hahaha..." tawa ni Aly."Talagang ginawa nyo yun... Ng role playing kayo na first meet up nyo... Kaso... Ahahaha... Nauwi rin sa..," hawak hawak na nito ang tyan nya sa lakas ng tawa nito.

"Yun na nga eh... " napapailing nalang ako. "Hindi ko maintindihan kung bakit.... Alam mo yun... Sobrang lakas parin yung attraction namin sa isa't isa.... "

"Hehe... Bes... Hindi kaya attracted lang kayo pero kung magiging kayo... Hmmnnn.... Pwede kasing ganon... Oo... Gusto nyo ang isa't isa... Dahil you both enjoy the sex part... Pero ang pagsasama kasi... Hindi lang naman dun... Mas maganda sana.... Bes... Magulo ba?"

"Oo magulo ka... " natawa nalang ako. "We are friends naman.... At yun ang mahalaga sa isang relasyon... Kaya namin pakibagayan ang ugali ng bawat isa... Oo... Sa sinasabi mong sex part... E di... We are the perfect combo!"

"So anong plano mo? Ipaglalaban mo ba?" seryosong tanong nito. "Pano... Kung malinaw naman na ayaw nya..."

"E di hinde!"

"Ano? So give up ka na?"

"Hinde!"

"Ang labo mo! Ano ba talaga?" naguluhan na ito.

"Bes... Ganito... Ibibigay ko ang gusto nya... Gusto nya maging friends lang kami at magpapakasal pa rin sya... Sige... Pero pagnalalapit na ang kasal nya... Magbabago lahat yun..."

"Ha?... Bes di ko gets..."

"Haha... Di ko rin gets... Pero alam ko mangyayari yon..."

"Pano?"

"Parang movie lang bes.... Katulad ng ngyari kanina... "

"So me bago ka ulit na role playing?"

"Yup!"

"Ano ka naman dun...."

"Just wait and see...."


-----

"Hola!" sabi ko ke chel ng makaupo ako sa tabi nya. Katatapos lang din ng 2hrs practice namin.

"Hi..." ngiti nito habang inaalis ang knee pads nya.

"Gawa na ba car mo?" tanong ko at nahiga muna ako sa bench. Nakapuwesto ang ulo ko malapit sa kanya.

"Hindi pa nga... Pinadala ko sa shop... Nagtaxi lang ako kanina..."

"E di sabay ka na sa kin ngayon..."

"Jovs... Ikaw ha..." sabi nito. "Bakit parang ang bait mo?"

"Masama ba? That' what friends do! Mas maganda nga rin kung ako ang maid of honor mo!" hirit ko.

"Uhhggh..." napaubo ito. "Seryoso ka? Gusto mo?"

"Oo naman... " sabi ko at bumalik ako sa pagkakaupo at humarap sa kanya. "Hmnn.. Gusto ko lang naman patunayan na we'll be friends forever... Di ba yun naman din ang gusto mo?"

Napanganga ito at biglang natawa. "Oo naman.... "

Hindi siguro makapaniwala si chel na madali kong natanggap ang lahat. Parte lang ito sa mga plano ko para mabawi sya. Ang kunin muli ang loob nya.

"Good... So it's official! I am your maid of honor na!"

"O-oo... Syempre naman... " at agad nya kong niyakap. Napapikit nalang ako sa higpit ng yakap nya. Kung pwede lang hindi matapos ang sandaling ito.

"So... Meron ka na bang designer... Meron akong friend na magaling sa mga wedding dress..."

"Uhmmm... Actually... Hindi pa rin kasi namin naseset ang date ng kasal... Hindi kaya sobrang aga?"

ifTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon