Part 9

716 22 0
                                    


 


PSL beach volleyball

"Ate tina, salamat ha... Pinayagan mo kong makapaglaro..." sabi ko dito ng matapos kaming bigyan ng mga tips bago magsimula ang game. Nagkataon na nainjured ang partner ni ate Nene kaya pinakiusapan akong maglaro para sa kanya.

"Basta tandaan mo lang ang bilin ko... Alam kong kaya mo yan dahil... Ikaw pa! Three time champion... Pero no pressure... Just enjoy the game!"

Prrrtttt....

1st set.... RC Cola vs Cignal.

"Kaya natin to..." bulong ni ate nene.

Pero sa totoo lang... Nanginginig ang tuhod ko ng ako ang unang nagserve.

"Set mo!" hiyaw ni Ate Nene.

Pak!

"Yes!" at kami ang nakakuha ng unang puntos.

Ilang minuto lang... Naipanalo namin ang 1st set...

"Jovs... Ito na!" at sinet ni Ate Nene ang bola... At buong lakas kong hinataw ito.

"And the winner for this match is RC Cola Army!"

"Sabi ko na nga ba!" at niyakap ako ni Ate Nene. Halos maiyak ako sa unang tagumpay na nakamit ko.

"I knew it!" sigaw ni ate tina at sinalubong kami. "Jovs.... Matutuwa si Coach pag tuluyan ka ng bumalik..."

Naiiyak parin ako. Di ko mapaliwanag ang saya ng nararamdaman ko. Halos talikuran ko ang paglalaro ng dahil sa ngyari ke papa.

"Jovs..." boses ni... "Jovs..." at agad akong niyakap nito.

"Chel..." at bumigay na ako ng todo.

"I'm so proud of you." sabi nito na naiiyak na rin habang pinapahiran ang luha ko. "Sabi ko naman sayo... Magaling ka parin... "

"Sobrang saya ko..." lalo ng makita ka... Ilang araw din kaming hindi nag-usap matapos ng away namin.

"Jovs... " at mahigpit akong niyakap nito.

"This call for a celebration!" sigaw Ni ate Tina.

--

"Matutunaw naman ako sa kakatitig mo.." pansin ko ke chel habang pinagmamasdan akong magmaneho.

Hinawakan nya ang tenga ko...

"Aray!" sigaw ko ng piningot ako nito. "Sira ka ba? Nakikita mo ng ngdridrive ako."

"Ikaw kasi... Bakit hindi mo sinabi sa kin na maglalaro ka pala? Kung di pa ko tinawagan ni M9, di ko pa malalaman!"

"Bakit nagtanong ka ba?"sagot ko. "E diba..." natigilan ako.

"Hmmppp... Ano? Dahil nag away tayo?"

"Oo nga! Bakit ka nga ba nakasakay sa sasakyan ko?"

"Aba! Yan sige awayin mo pa ko!"

"O ayan bumaba ka na..." sabi ko ng makarating kami sa bahay nya.

"Hindi ka ba bababa?"

Napatingin nalang ako sa kanya. "Hindi na.... Salamat nalang... "

Napayuko nalang ito. "Sige.... I-ingat sa pagdrive... " at bumaba na ito ng sasakyan.

Ano ba kasi Jovs? Mas mabuti na yung ganito kesa magkasakitan lang kami. Ayaw ko ng saktan pa sya ulit...

----

Pero.... Mahal ko na sya....

Kaya nagmadali akong sumunod sa kanya at pumasok sa bahay nya..

"Jovs..." gulat nito.

"Chel... " dali akong lumapit at sinungaban sya ng halik. At di naman ako nabigo at dama ko rin ang pagkasabik nya.

"Jovs... " tanging nasabi nito ng maghiwalay ang mga labi namin.

"Chel.... I love you... Wala na kong pakialam kung magpinsan tayo.... I just can't live without you.... Alam ko hindi to tama... Pero hindi ko kaya na me iba ka.... Hihiwalayan ko si Cha... Chel.... Please... Ako nalang... Ako ang piliin mo... " makaawa ko.

"Jovs..." napapailing ito...

"Chel... Alam kong pareho tayo ng nararamdaman.... Please sabihin mo sa kin na wala kang ibang mahal.... "

"Jovs... I'm sorry..." at pumatak ng luha nito. "Engaged na ako..." at pinakita nya ang suot nyang engagement ring...

"Hindi totoo yan di ba.... Chel ako ang mahal mo....  Sino ba sya?"

"Jovs.... Si...si Chris....."


 

ifTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon