Chel's povHindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan ngayon sa tuwing papasok ako ng Army Gym. Parang mixed emotions kung ano man ito. Dahil ba... Magkasama na kami ni Jovs sa iisang team? Dahil ba... Nagtapat na sya ng totoong nararamdaman nya? O dahil hindi ko kayang aminin sa kanya ang totoo?
Kring... Kring...
"Hi babe..." boses ni Chris sa kabilang linya."Getting ready for practice?"
"Yah... Kararating ko palang..." sagot ko.
"Let's meet up later? Dinner?"
"Uhmmm... I'll just call you... Me photoshoot pa kasi ako after practice."
"Okey then... I miss you na eh... Later... I love you.."
"Yah later... Bye.." at binaba ko ng phone ko.
Minsan bakit nagiging komplikado ang mga bagay bagay. Simple lang naman sana. Sinagot ko si Chris kahit binasted ko na sya dati. Pero pursigido sya kaya ba sinagot ko? One month palang kami pero nung nagpropose sya, di rin ako nagdalawang isip na tanggapin. Nagmamadali ba ako? O me gusto lang akong takasan?
Ng makapasok na ako sa gym, hindi ko maiwasang tumingin ke Jovs. Di kami nag uusap simula ng bumalik sya. Halata namang umiiwas sya at ganon din ako. Sana nga lang, hindi ito makaapekto sa paglalaro namin. Mahirap? Sobra... Dahil.... Dahil... Sobrang miss ko na sya....
"Buti nakarating ka na... " sabi ni coach kung fu. "Let's team you up... Two members each team... Uhmm... Dahil late ka... You don't have the right to choose your partner."
"Ganon?" alma ko.
"Well... Jovs dahil late ka rin... Kayo na ni Chel ang partner... As punishment... 1000 push ups... At dapat sabay kayo... Then you join the rest for the sprinting outside."
Nakita ko nalang napakamot sa ulo si Jovs. Kung minamalas ka nga naman.
"Well... Let's start..." sabi ko ke Jovs ng makalapit to.
"Whatever!" at pumuwesto na to at agad nagsimula.
"Teka dapat sabay nga tayo di ba?"
"Ang bagal mo kasi... Pumuwesto ka na dito."
"Opo!"
"867...868...869...870...871...872...873...." bilang namin pero parang bibigay na ang braso ko. At tagaktak na ang pawis ko.
"Shocks!" bumitaw na talaga ako at tuluyang dumapa sa sahig.
"Chel konti nalang... Kaya natin to..." kumbinsi ni Jovs. Himala at nagbago ang mood nya... E kanina lang kung makasigaw...wagas.
"Sige..." at bumalik ako sa pwesto. "874.... 875....876....879....880....881...882..............995...996....997...998....999....1000" pareho naming sigaw.
"Hahaha..." pareho kaming natawa at napasalampak nalang kami sa sahig.
"Di ko na yata magalaw ang braso ko... Haizt!" nakangiting sabi ni Jovs.
"Oi... Kayong dalawa dyan... Get out and join the rest outside!" sigaw ni coach.
Naunang tumayo si Jovs at inabot ang kamay nya para alalayan ako. "Halika na..."
Napatitig lang ako sa kanya.
"Ano? Ayaw mo bang tumayo?"
Kaya inabot ko nalang ang kamay nya.
"Thanks... " ngiti ko ng makatayo ako.
"Tara..." hatak nito sa kamay ko at di binitawan hangang sa makalabas kami. Humawak nalang din ako... Kung alam mo lang sana........
-----"Sis..." bati ni Aby ng makarating ako sa studio. Magkasama kasi kami sa bagong add ng gatorade.
"Hi!" at nagbeso ako.
"Namiss kita... So musta naman... I'm sure okey na kayo ni Jovs?"
"We're good..."
"That's it... So?... Kayo na ba?" usisa nito.
"No... " sagot ko."Hindi kami..."
"What? Kala ko ba papunta ka na dun? Last time sabi mo... Ipagtatapat mo na sa kanya? What happened?"
"Well.... It didn't push through... I'm engaged na... To Chris."
"What? Bakit si Chris? Hindi mo sya mahal gurl!"
"Mas mabuti narin siguro..."
"Gurl... So hindi parin alam ni Jovs? Na hindi naman kayo magpinsan?"
"I don't get the chance...."
"Kala ko pa naman na kayo na... Kasi.... Hiwalay na si Jovs at Cha."
"What? Kelan pa?"
"A week ago... Shocks gurl.... " nanlulumay ito."Nakakapanghinayang... "
Napapikit nalang ako. "I guess we really are not meant for each other..."
"Sis... Don't say that... Kelangan mo lang maging totoo sa sarili mo... "
