"Bakit ba naman pinauwi mo ko ng maaga? Nagalit tuloy si kiefy ko." reklamo ni Aly at sumalampak ng upo."Loves ka naman nun... Kaya di rin makakatiis yun."
"Bakit ka ba umiinom? Dahil ba nakipagbreak sayo si Cha?"
"Yun na nga... Pero magpapatulong sana ako.."
"Tulong na ano?" nakapangalumbaba ito.
"Hanapan mo si Chel ng boyfriend."
"Ha?... Boyfriend ba kamo? E sa dami ng nanliligaw sa kanya... Wala naman syang mapili.... Andyan si Mark,.... Si Chris... Si Renz.... E lahat yan binasted nya!"
"E si Kiefy... Baka me kakilala... Mga basketball players... Malamang marami syang pwedeng ireto ke Chel..."
"Teka nga... Bakit ba sya ang hinahanapan mo?"
"Para di na magselos sa kanya si Cha..."
"Ahhhh.... So si Cha parin pala... "
"Oo naman... Gusto kong makipagbalikan ke cha... At mangyayari lang yun... Kung di na sya magseselos ke chel."
"Hmmmnnnn.... Mukhang di na kelangan.."
"Ha?"
Nakanguso ito na tinuturo ang kapapark lang na sasakyan. Me naghatid ke Chel.
"Gwapo...." napahanga si Aly sa makisig na kasama ni Chel.
"Hi..." ngiting ngiti si chel ng makarating sa me veranda at nasa likuran ang kasama nya. "Si AJ pala."
"Hi... " bati nito. "Sarap naman ng inuman nyo."
"Join ka..." sabat ko.
"Ehem... Hindi na..." harang ni Chel. "Pasok muna kami sa loob." at hinatak ito sa me braso.
"Next time siguro..." ngiti nito at sumunod ke chel papasok sa bahay nya.
Napatayo ako pagkasara ng pinto. Anong ibig sabihin nun? Bakit nagmamadali sya? At ano yun... Dito matutulog? Jowa na ba nya yon? Never pa syang nagpatulog ng lalaki dito.
"Jovs.... Jovs!" tawag ni Aly.
"Ha?" napalingon nalang ako.
"Umupo ka nga..." hatak sa kin nito."Teka... Boyfriend na ba nya yon?"
"Wait...." at kinuha kong phone ko sa bulsa at dinial ang number ni Che.
"Chel... Lumabas ka nga muna saglit..." at binaba ko ng phone ko.
Ilang minuto lang at lumabas narin ito.
"O bakit?" sabi nito palapit sa min.
"Sino ba yon? Dito ba yun matutulog? Jowa mo ba yon?" napatayo na ako. "At bakit nagmamadali ka ha?"
Natawa ito."So?... Kaibigan ko..."
"Kaibigan lang?"
"E ano naman ba? Bawal ba akong magpatuloy ng kaibigan?"
"Kahit na..."
"Jovs... Hindi nga kita pinapakialaman kung nagpapatuloy ka ng kung sino sino... Kaya pwede ba..." irap nito at pumasok ulit sa bahay nya.
Haist! Sarap mong sabunutan!
"Bes..." pinaupo ulit ako ni Aly. "Hayaan mo na... Yan na ang sagot sa problema mo.."
"Anong problema ko?"
"Di ba kanina lang nagpapahanap ka ng boyfriend ni Ate chel... Ayan na... Instant!"
