"Ma, masakit talaga likod ko... Bukas nalang ako pupunta dyan... Opo... Katatapos lang ng practice... Sige po... Bye..." pagtatapos ko sa tawag ni Mama.Gusto kasi ni Mama na tingnan namin yung condong bibilhin nya. Ewan ko ba, di naman sya magtatagal dito. Gusto paring bumili.
"Shit!... Kaloka naman..." boses ng babae sa di kalayuan sa parking lot. Kaya nilapitan ko nalang.
"Ate chel..." pansin ko dito na tinitingnan ang gulong ng sasakyan nya. "Naflat?"
"Jovs... Ikaw pala..." lingon nito. "Wrong timing nga eh... Wala akong dalang spare..."
"Eh tara na... Pauwi na naman din ako..." aya ko.
"Me lakad pa kasi ako... Eh makailambeses ko na pinaresched... Nakakahiya na naman na di ako sisipot."
Mukhang desperada naman to. "San ba yon? Samahan na kita..." alok ko.
"Wag na..." naiilang ito.
"Nu ka ba... Mahirap magtaxi... Halika na sabi... Di naman siguro kalayuan yon..." sabi ko.
"Ah... Sa isang pastry chef.... Sa me da fort... Mag cake tasting sana..."
Shocks! So tuloy na tuloy na pala. Awkward man na ako pang kasama nya sa pagpili ng wedding cake nila, dyahe naman kung bawiin ko pa. Sabi nga ni mama, maghintay lang ako... Pero nakapagdesisyon na pala sya.
"Sure... Tara..." pilit ang ngiti ko at naglakad na ako papunta sa sasakyan ko.
Ng makaupo na ito sa loob. "Jovs, siguro kahit idrop mo nalang ako dun tapos uwi ka na..."
Pinaandar ko na ang sasakyan."Hindi ka naman siguro magtatagal dun diba... Hindi mo naman uubusin yung buong cake... Samahan na kita..." sabi ko kahit takte... Wedding cake nila!
"Bakit nga pala hindi mo kasama si Chris?" dugtong ko.
"Me training kasi sya..." sabi nito na nakatingin sa bintana. "Jovs... Alam kong di na tayo nakapag-usap... "
"Wag na nating pag-usapan yun.." sabat ko."Tutal nakapagdesisyon ka na.... Okey na ko..."
Di narin ito umimik.
Ilang saglit lang.
"Dito lang yung shop..." turo nito. "Eto na pala..."
Kaya pinark ko na ang sasakyan.
"Gusto mo bang sumama sa loob?"
"Makakakain ba ako ng cake?"
"Oo naman... Me free tasting..." ngumiti narin ito.
"Timing... Gutom ako... Tara..." at sumunod na kong lumabas ng kotse.
----
"Ms Daquis... Marami kang pwedeng pagpilian... Siguro unahin muna natin ang iba't ibang flavors ng cake." sabi ng Chef at inihain ang 10 slices ng cakes sa harapan namin. "Tikman nyo... Kukunin ko lang yung iba pa.." at pumasok ito sa loob.
"Jovs... Ikaw mahilig sa matamis... Try mo nga to..." at sinubuan ako galing sa unang plate.
"Hmmmnnn... Matamis at lasa yung caramel..." sabi ko at kinuha ko naman ang tinidor para tikman yung sa second plate. "Hmmmnnn eto... Eto... Try mo..." at sinubuan ko naman sya.
"Hmnnn.... Me lasang green tea ano... Pero masarap..." harap nito sa kin.. "E eto..." at ako naman ang sinubuan nya.
"Errr.... Chocolate with... Ano ba yon... " napaitan ako.
"Dark choco cake kasi..." sabi nito at kumuha naman sa ibang plate. "Eto... Strawberry chiffon... " sabay subo nito sa kin.
"Hmmmnnn.... Masarap!"
"Talaga!" kaya agad tinikman nito. "Awww... Hindi naman eh.."
"Hahaha! E kasi kaloka ka eh... Subo ka ng subo sa kin... Hindi ko pa nga nalalasahan ng maigi... Dapat nalalasap..."daing ko.
"O sige..." natawa rin ito.."Eto... Tikman mo... Lasapin mo ha..." at sinubuan ulit ako. "O ano... Masarap?"
Napapikit pa ko."Isa pa nga..."
At sinubuan ulit ako... "O ano?"
Napangiti ako."Hmmmnnn... Masarap... Parang...parang halik mo.."
Pinandilatan ako at napakagat ito sa labi. "Jovs!"
"Hahaha... Masarap nga... Parang ito na yung pinakamasarap sa lahat.. Tikman mo..." at sinubuan ko naman sya.
Napatango ito. "Masarap nga... Parang..."
"Parang first kiss..." dugtong ko. Naalala ko tuloy ang first kiss ko.
"Sino bang first kiss mo?" sinakyan nito ang biro ko.
"Heheh... Gusto mo ba talagang malaman?"
"Wag na nga!" at biglang bawi nito at ulit tinikman ang cake.
"Ikaw...."
Halatang napalunok ito. "Gago!... Me jowa ka na nga nung highschool..."
"Ms Daquis... Nakapili na ba kayo?"biglang sulpot ng chef.
"Ano palang tawag dito" tanong ko sa huling tinikman namin.
"A yan ba... Yan ang dazzlng kiss velvet cake." ngiti nito. "Marami kasing nakakapagsabi na after nilang matikman yan, naalala nila yung first kiss nila."
"Yun nalang parang me lasang green tea... " sabi ni chel sabay lapag ng huling plate.
-----