Kabanata 2
Ang Panloloko
Konti lang ang encouragement na pinapadama ni Noah sakin. Pero worth it! Isang sulyap niya lang, maninisay na ako sa kilig.
"Coreen..." Napatalon ako nang isang araw ay may kumalabit at tumawag sakin.
Nilingon ko si Noah. Pinasadahan niya ng kamay ang buhok niya kaya gumulo ito at naamoy ko agad ang bangong nanggagaling doon.
Nilipad ng hangin ang puso kong kumakalabog pagkakita ko sa kanya. Act normal, Coreen. Chill! Hingang malalim! Kaya naman hindi ko talaga masisisi si Reina kung manigas siya pag nandyan si Ynigo, eh, syempre crush niya yun. Ang nakakatuwa lang sa kanya, ay ang dami niyang crush. Benjamin, Ynigo, Nash, etc. The list goes on and on... Eh ako? Nag iisa at wala ng iba.
Napalunok ako ng ilang beses saka tinanong siya...
"Bakit?"
How I wish na dadating ang panahon kung saan hindi ko na kailangang magtanong sa kanya kung bakit niya ako hinahanap.
"Pakibigay tong excuse letter ni Reina sa teacher niyo. Absent siya, may sakit." Aniya.
Napatayo ako sa kinauupuan ko.
"Anong sakit ni Reina?" Tanong ko kahit na halos masuka na ako ng silver dust sa kilig.
"Flu. Don't worry about her, she'll be alright." Ngumisi siya sakin atsaka tinapik ang balikat ko.
Nalusaw agad ang puso ko sa ginawa niya. Konting mga gestures lang yan pero hulog na hulog na agad ako sa kanya.
Palagi kong iniisp yung mga mangyayari tuwing magkakasama kami. Dinidaydream ko palagi na magkaibigan kami ni Noah. Kaso, ang hirap niyang abutin sa totoong buhay. Masyado siyang engrossed sa music. Iyon lang palagi ang inaatupag niya. Wala siyang pinapansing ibang babae. Hindi rin naman nagbunga yung kina Muse. Crush niya lang yata yun. Pero ganun paman, malaking bagay na iyon sakin. May crush siya!
Bukod kay Muse, wala na akong alam kung sino pa ang kinahuhumalingan niya.
"GO NOAH!" Sigaw ko nang nag perform ulit siya sa festival ng school.
Dahil sa sigaw kong makabasag lalamunan, napansin niya ako. Ngumiti siya. Syempre, nanisay na naman agad ako. Ganun palagi ang eksena. Alam mo yun? Konting encouragement, hulog na hulog ka na agad.
"Coreen, thanks nga pala sa support."
Lumundag ang puso ko sa sinabi ni Noah sakin pagkatapos ng gig nila.
"Walang problema. Basta ikaw..." Ngumisi ako.
Napakamot siya sa ulo at napayuko. Sinundan ko ng tingin ang mga mata niya pero nakita kong pumula ag pisngi niya.
BINABASA MO ANG
Heartless (Published under Sizzle and MPress)
RomanceElevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupuntahan mo. Yung feeling na palapit pa lang yung birthday mo. Yung feeling na palapit pa ang isa pang espesyal na araw. Yung feeling na ilang o...