Kabanata 27
Nahuhulog
Mabilis ang panahon dahil busy ako sa midterms. Panay ang study ko habang si Reina, ang bestfriend ko ay tumutunganga sa isang tabi. Nag s-study naman siya pero sadya lang talaga siyang madaling madistract.
Hinihipan niya ang buhok niya ngayon habang ako naman ay panay ang tingin sa libro ko.
"Adik." Utas ko.
Ilang sandali ang nakalipas, narealize ko kung bakit kami bestfriend ng isang ito. Adik din ako. Nasa tabi namin ang soccerfield habang hinihipan ko na ngayon ang bubbles na bigay ni Rozen.
"Nakabalik na ata si Ate Megan." Aniya ng wala sa sarili.
"Sinong Megan?" Tanong ko.
"Yung... yung classmate ni Noah."
Napaisip ako. Megan. Classmate ni Noah? Iyon ba iyong babaeng nakita ko sa CR?
Hindi ko alam. Hindi naman iyon tumagal sa utak ko. Ang tangi kong iniisip ay ang imahe ni Rozen na palaboy-laboy sa buong school na may nakaaligid na babae.
"Disturbing." Umiling ako nang nakita siyang halos mapunit ang mukha sa kakangisi. "Tsss."
Nang last day na ng midterms, Biyernes, ay nakatanggap ako ng text galing kay Noah.
Noah:
Bukas. Sa school. 9:00AM. May iiwan ako dun. Dun na lang tayo magkita.
Tumango ako sa sarili ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Parang... hollow. Parang walang laman.
Is it true, then? I only like the chase?
Umiling ako. That's not true. That's not true. Hindi pwedeng ganoon. Ang tagal kong hinintay na magkaroon ako ng chance kay Noah, hindi pwedeng wala akong gana ngayon.
Kinaumagahan, nagising ako ng ngiting ngiti. Syempre, dahil alam kong ngayon mangyayari ang matagal ko ng inaasam na date namin ni Noah.
Nagpahatid ako sa driver namin papuntang school. Ang alam ko, nasa auditorium sina Noah. Hindi ko nga lang alam kung sino ang kasama niya doon. Kaya doon agad ako pumunta. Nag effort talaga ako sa soot ko ngayon. Mas nag accessorize ako at nagsoot pa ng heels para mas tumangkad at mas bumagay sa matangkad na si Noah.
Hindi pa ako nakakapasok ay dinig na dinig ko na ang mahihinang boses ni Noah at Warren na nag uusap.
"May nakakita kay Megan. Nasa Pinas na daw."
"Tsss. Pakealam ko dun."
Pumasok ako sa pinto at uminit ang pisngi ko nang nakita ang nalalaglag na panga ni Noah.
BINABASA MO ANG
Heartless (Published under Sizzle and MPress)
Storie d'amoreElevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupuntahan mo. Yung feeling na palapit pa lang yung birthday mo. Yung feeling na palapit pa ang isa pang espesyal na araw. Yung feeling na ilang o...