Kabanata 19

1.5M 43.9K 25.5K
                                    

Kabanata 19

Isang Halik

Kinaumagahan, nagising na lang ako dahil sa alarm ng cellphone ko. Hindi ko naman iyon ni-set pero mukha atang si Rozen ang gumawa nun. Kinapa ko agad ang tabi ng kama ko para tignan kung nandoon ba siya. Nang wala akong nakapa kundi ang bedsheets ay nilingon ko na agad. Asan siya?

Nakita kong nakabukas ang sliding door patungong terrace ng suite. Bumangon agad ako at sinubukang maglakad.

"Ouch!" Bulong ko sa sarili ko nang sabay kong naramdaman ang sakit ng ulo ko at sakit ng paa ko.

Hinawakan ko ang ulo ko at sinubukang imasahe ito. Pero ilang sandali ay binalewala ko ito at agad ng tumayo.

Damn vodka.

Tinignan ko ang paa ko. Pulang pula parin ito dulot ng sandals na suot ko kagabi. At mukha atang may kung ano sa muscles ko doon dahil sobrang sakit niya. Nasobrahan yata ako sa pagsasayaw kagabi.

Pa ika-ika akong naglakad papuntang terrace. Nang nakahawak na ako sa sliding door ay agad kong naaninag ang napatalong si Rozen. Nabigla ko ata. Naabutan ko siyang topless, nakatingin sa malayo at naninigarilyo.

Agad niyang tinapon ang sigarilyo niya nang nakitang nandoon ako. Nanliit ang mga mata ko sa nakita ko.

"Good morning." Hilaw niyang bati.

Napangiwi ako, hindi porket nakabalandra ang abs niyang nakakapang carried away ay magbubulag bulagan na ako. "You smoke?"

"Uh... Not always." Nilapitan niya ako. "Kumain na tayo. Nag order ako ng breakfast sa room service kanina."

Mas lalong nanliit ang mga mata ko. Sinubukan kong lumapit sa kanya kaya nakalimutan kong masakit pala ang paa ko.

Inalalayan niya agad ako ngunit hinawi ko ang kamay niya. Amoy sigarilyo siya. Nakita kong namutla siya.

"What?"

"Ayoko sa mga lalaking naninigarilyo." Sabi ko.

"Tsss." At inalalayan ulit ako.

Kaya hinawi ko ulit ang kamay niya.

Natigilan siya at tinignan akong mabuti sa mga mata, "Ayaw mo naman sa akin, manigarilyo man ako o hindi.  Tsss." At hinawakan niya ang braso ko saka kinaladkad.

Amoy sigarilyo siya. Noong una ay nagpatianod ako sa kaladkad niya, pero kalaunan ay naramdaman ko na naman ang sakit ng paa ko.

"ARAY!" Sigaw ko.

"W-What?" Tanong niya saka tumigil.

Napaupo ako sa sahig.

"Wait lang." Sabi ko sabay taas ng kamay ko at inda sa sakit.

Heartless (Published under Sizzle and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon