Kabanata 37

1.6M 40.1K 29.7K
                                    

Kabanata 37

Ang Sakit

Patago akong umiyak dahil sa sinabi ni Rozen sakin. Wala akong karapatan, I know. Wala akong karapatang masaktan dahil simula't sapul, ako ang nagtaboy sa kanya. Ako ang dahilan kung bakit nawala ang pagmamahal niya sakin. Wala akong maisumbat. Wala akong maidahilan.

Ni hindi ko masabi kay Noah. Alam kong mali itong kinikimkim ko ang sakit. Gusto ko ng kausap. Gusto kong kausapin si Rozen. Kaya lang hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon.

Tuwing nasa klase kami at tinitignan ko siyang nakikisalamuha sa ibang kaklase ko, kahit kailan hindi ko siya nakitang tumingin sakin.

"Hay, ang gwapo talaga ni Rozen." Utas ni Elle.

Isang subject lang kami magkaklase ni Rozen. Sa di malamang kadahilanan, mukha atang itong subject lang na ito ang behind niya.

Madalas kaming kagrupo ni Elle at ni Kristen. Si Rozen naman ay nasa kabilang grupo kung saan walang tigil ang tulo ng laway ng mga babaeng ka grupo niya.

Nakapangalumbaba ako habang seryosong pinag iisipan itong baby proposal namin sa subject na ito. Kagabi ko pa ito pinag iisipan. Mabuti na iyong naghahanda. At magandang desisyon ang paghahanda ko kasi walang ginawa itong mga kagrupo ko kundi ang mag retouch ng lipstick, at syempre, si Elle na panay ang laway kay Rozen.

"Neng, kumuha ka nga ng timba, baka bumaha ng laway dito." Sabi ng kaibigan ni Elle.

Pumula na parang kamatis ang pisngi ni Elle. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi niya tsaka tumili.

"Wa'g nga kayong ganyan!"

Nag eeskandalo na siya sa sobrang kilig. Sumulyap ako kay Rozen at nakita kong naagaw ni Elle ang atensyon nito. Nakatingin si Rozen sa kanya pero medyo naiirita ang mukha. Kinagat ko ang labi ko tsaka pinagmasdan ang nangingisay na si Elle.

"Oh my! Oh my! Nakatingin siya! AHHH!"

"SHHHH!" Nakisabay ako sa ibang kaklase kong naiirita sa pagsigaw sigaw ni Elle.

"Time's up!" Sigaw ng kararating lang na prof. "Team leaders, bunot ng number para malaman natin kung sino ang unang mag re-report. At pumili na rin kayo sa magrereport para sa grupo."

Tumango ako at nilapag ang mga hand outs na ginawa ko.

"Ako na." Sabi ko. "Sa reporting."

Umiling agad si Elle.

"Wa'g mo namang akuin ang lahat. Kahapon ka pa babad sa mga ito. Hayaan mo na lang na si Elle ang mag report."

"Oo nga, Coreen. Kaya ko 'to." Concern na sinabi ni Elle.

"Tsaka... plus points yun sa grade ni Elle, diba? Scholar pa naman yan." Sabi ng isa pang kagrupo namin.

"Eh baka hindi ma explain ng maay-"

Hinawakan ni Elle ang kamay ko, "Ako na, Coreen. Kaya ko na yan.”

Heartless (Published under Sizzle and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon