Kabanata 50

1.8M 41.8K 24.2K
                                    

Kabanata 50

Babalik Na Si Reina



Alam nating lahat na pag siya na ang magyayaya, wala ng makakapigil. Kaya heto at papasok kami sa bahay nila. Abot tainga ang ngiti niya. Hinila niya ako paakyat ng hagdanan nila.

"Rozen, gagawa tayo ng requirements ko." Mariin kong sinabi.

"Kaya nga, diba?" Ngumisi siya.

"Ikaw? Tapos ka na ba sayo?" Tanong ko.

"Syempre. Ipapakopya pa kita."

Mabuti sana kung pwedeng ganun. Kaya lang hindi. Iba-iba dapat yung case study at mga report. Limang case study ang gagawin. May isa pa akong kulang. Ito dapat ang inaatupag ko ngayon. Well, okay na rin naman siguro kasi may sources na ako at kailangan na lang pagtagpi-tagpiin ang mga nakalap kong impormasyon.

Nabunutan na lang ako nang tinik nang nasa tapat na kami ng kwarto ni Rozen. Pagkabukas niya dun ay sobrang lamig agad na aircon ang bumungad sakin. Tumindig ang balahibo ko.

"Ang lamig naman!" Sabi ko.

Nilingon niya ako at ngumisi siya.

"Ooopppz, Sorry." Tsaka nilapitan ang aircon para hinaan. "Ang payat mo kasi, bilis mong nilalamig. Yan napapala mo sa kakakain ng damo." Humalakhak siya.

Inirapan ko na at pumasok ako sa loob.

Hindi matanggal ang tingin ko sa isang frame sa taas ng kama niya. Isang babaeng nakatalikod. Kulot ang buhok nito. Nanliit ang mga mata ko. Hindi ko makita ang soot na damit nung babae kaya hindi ako sigurado kung sino.

"Wait a minute. That's me!" Sabay turo ko sa frame.

Mabilis ang pintig ng puso ko. Tinignan ko si Rozen sa kinatatayuan ko kanina pero wala na siya dun. Bigla na lang akong napatalon dahil naramdaman kong niyakap niya ako galing sa likuran.

"Ano ba, Rozen!" Sabi ko sabay layo ng konti.

Hinila niya ako.

"Come on, I won't rape you." Humalakhak siya.

"Ako yan, ah!?" Sabay tingin ko sa frame. "You're obsessed with me!?" Napangiwi ako kay Rozen.

"So what if I am?" Tumawa siya.

"Ikaw talaga!" Sinapak ko siya.

Lumayo siya ng konte tsaka hinila ang bag kong may laman ng mga requirements.

"Teka, Rozen!" Kukunin ko sana pero nilapag niya na sa table ang mga requirements ko.

Wala na akong nagawa. Inisa-isa niya ang mga papel na nakalap ko. Kumunot ang kanyang noo habang binabasa ang mga natapos ko na. Ako naman, abala sa pagtingin-tingin sa buong kwarto niya.

Mint green ang kulay ng walls nito. Malaki ang kwarto niya, may sariling banyo at halos may sariling living room. Mahahaba ang mga kurtina, hanggang sahig. May halaman pang nakatayo malapit sa balcony. May ashtray sa side table. May refrigerator na nakatayo sa kabilang wall. Binuksan ko ito at tinignan kung anong meron. Nakahanap ako doon ng isang bote ng Black Label, ilang lata ng Heineken, at isang box ng chocolates na may nakalagay pang, "For Coreen."

Heartless (Published under Sizzle and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon