Kabanata 10
Eskandalo
Nawalan akong ganang kumain dahil sa ginawa ni Rozen. Pinagmasdan ko siyang ganadong kumakain at ngumingisi pa sakin. Ako naman ay sinusubukang kainin ang nasa plato kong hindi ko pa nagagalaw.
"Ganun ba ka nakakadiri ang halik ko, Coreen?" Nakangisi niyang tanong.
Sinimangutan ko siya.
"That's a normal thing sa mag boyfriend at girlfriend. You don't need to get mad for that. Ganoon talaga, diba? Naghahalikan."
Mariin kong tinikom ang bibig ko. Nakakainis talaga ang lalaking ito. I know... Hindi iyon ang plano niya. 'Baka pag naramdaman kita mapapawi na iyong nararamdaman ko sayo.' YOUR ASS! Ang tuso talaga ng halimaw na ito. That's not his plan, you know. Ang plano niya rito ay ang mainlove ako sa kanya sa loob ng isang buwan.
Nanliit ang mga mata ko. Gusto mo ng tuso, Rozen? Mas tuso ako.
"I know. But that's just too mild, Rozen. Pang 'friends' lang yung halik mo. You know, pag boyfriend at girlfriend dapat mas wild pa doon."
"What do you mean?" Napatunganga siya sa sinabi ko.
"Torrid, French. Yan dapat yung mga ginagawa natin since mag boyfriend at girlfriend naman tayo."
Napaawang ang bibig niya.
Hindi siya agad nakapagsalita. Tinitigan niya ang mga mata ko. Para bang naghahanap siya ng butas sa mga sinasabi ko sa kanya. Para bang naghihintay siya na bawiin ko iyon dahil iyon naman lagi kong ginagawa. Not anymore. Gusto mong mag kunwari tayo? Pwes, magkukunwari ako hanggang sa pakiramdam mo totoo na ako.
"We can even make love, Coreen." Humalakhak siya.
The nerve of this guy!?
Umiling ako, "Not yet... Not now..."
Nalaglag ang panga niya. Nagpatuloy ako sa pagkain. Pero siya ay nakatunganga na lang sa harap ko at napainom ng tubig.
NOT EVER! Na lintikan na! Alam kong halimaw siya sa totoong buhay at sigurado rin akong mas halimaw siya sa kama. Iniisip ko pa lang na sa kanya ko maisusuko ang Bataan ay nakakalaslas na. Nag struggle ako para lang hindi magpalpitate ang noo ko sa inis. Kaya itinaas ko ang isang kilay ko.
"I will wait." Matama niyang sinabi.
Hinayaan ko na lang siya sa kanyang nararamdaman. Akala mo siguro, Rozen? Hindi ako maiinlove sayo dahil may iba na akong mahal. Kung maiinlove naman ako sayo, dapat noon pa diba? Pero hindi, eh. Kahit hindi ako pinapansin ni Noah, siya parin ang laman ng isip ko.
Pagkatapos niyang magbayad sa mga kinain namin ay tumayo na ako. Aniya'y manonood daw kami ng sine. Inayos ko ang bag ko.
Bigla niyang kinuha iyon sa braso ko.
"Let me." Aniya.
BINABASA MO ANG
Heartless (Published under Sizzle and MPress)
RomantikElevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupuntahan mo. Yung feeling na palapit pa lang yung birthday mo. Yung feeling na palapit pa ang isa pang espesyal na araw. Yung feeling na ilang o...