Kabanata 13
Darn Perfect
Nabunutan ako ng tinik sa reporting. Noong pina-report na kami, nagkaroon din ako ng pagkakataong magsalita sa harapan at sumagot sa mga tanong ng mga kaklase ko. Hindi naman naging halata na wala ako lagi sa mga brainstorming o sa paghahanda sa reporting.
Mabuti na lang talaga at naligtas ako doon.
Sa sumunod na mga araw, mas dumami ang mga ginagawa ko. Kinailangan kong gumawa ng research paper, mag handa sa panibagong reporting sa isang major subject, umattend ng meeting para sa up coming school festival at iba pa. I swear, hindi ako makaka survive kung walang nag aalarm sakin. Araw-araw din akong tinatawagan ni Rozen at ginigising.
*I never knew
I never knew that everything was falling through
That everyone I knew was waiting on a queue
To turn and run when all I needed was the truth*
Nagiging theme song ko na ang ring tone na naka assign kay Rozen. Siya mismo ang naglagay niyan sa cellphone ko kasi pag yung ringtone ko daw kay Noah, hindi ako magigising dahil masyadong malumanay. Itong Over My Head naman ng The Fray ay maingay kaya lagi akong naaalimpungatan.
*Let's rearrange
I wish you were a stranger I could disengage*
"Hello..." Kinusot ko ang mata ko.
"Good morning, babe. Gising na. May meeting ka ngayon, diba?"
"Hmmm... Oo."
Tuwing gumigising ako ng maaga, lagi akong naiiyak. Gusto ko pa kasing matulog.
"Coreen Samantha." Aniya nang natahimik na ako kasi umidlip ulit.
"Oo!" Galit kong utas.
Tumawa siya, "Gising na po, sungit! Umaga na!"
"Oo, eto na..." Tumayo ako ng dahan-dahan. "Maliligo na muna ako." Sabi ko.
"Okay... Kumain ka rin, ah? Susunduin kita."
"HA?" Dumilat ng pagkalaki-laki ang mga mata ko.
"Ganyan talaga pag boyfriend mo ako, Coreen. Papunta na ako kaya maghanda ka na."
Binabaan ako ng tawag ni Rozen kaya wala akong nagawa kundi maghanda sa pagdating niya. Pagkatapos kong mag handa ay bumaba na agad ako. Mabilis akong bumaba sa stairs. Paglingon ko naman sa sala ay nakita kong nandoon na siya, nakasalikop ang mga daliri habang tinitignan akong pababa sa hagdanan. Kaharap niya si daddy na nagbabasa ng dyaryo.
"Oh, heto na pala si Coreen." Nakangiting sinabi ni dad.
"Dad. Good morning!" Sabi ko sabay halik sa pisngi niya.
BINABASA MO ANG
Heartless (Published under Sizzle and MPress)
RomanceElevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupuntahan mo. Yung feeling na palapit pa lang yung birthday mo. Yung feeling na palapit pa ang isa pang espesyal na araw. Yung feeling na ilang o...