Kabanata 22
Wear It
Hindi ako huminga. Yumuko lang ako at naramdaman ko agad ang mga bumubuong luha sa mata ko. Pinipiga ang puso ko at mas lalo lang akong nahirapang huminga ng maayos.
"Okay." Ngumisi ako.
Pero sa gitna ng ngisi ko ay bumuhos ang luha. Nakita ko ang pamumutla ni Noah. Umiling ako sa kanya.
No... I didn't want him to date me because of pity.
"Co-Coreen, I..."
Umiling ako kaya natigilan siya sa pagsasalita, "Alam ko na naman ang sagot mo. Sinubukan ko lang ulit."
Napahikbi ako. Lumapit siya sakin. Umatras ako. May malaking guwang sa puso ko. I didn't know if that's a good thing or a bad thing. Ang alam ko lang ay hindi ko na ito maramdaman dahil sa guwang na iyon. Umiiyak lang ako sa wala. Maybe I'm already numb because of the pain... or maybe I saw this coming.
Nilagpasan ko na lang siya. At simula noon ay hindi na ulit kami masyadong nagpapansinan. Well, what's new? Ganoon naman kami dati pa lang, lalo na ngayong may nangyari ulit na rejection.
Sa araw ding iyon, hindi na ulit nag text si Rozen sakin. Hindi ko alam kung bakit hinahanap siya ng sistema ko. I want to feel him. I want to see him. I want him to assure me. This is bad. So bad. So sick.
Galit na galit na ako sa sarili ko. Hindi ko na alam kung anong iniiyakan ko... Hindi ko na mapagtanto. Gulong gulo na ang pag iisip ko.
Ayaw kong gamitin si Rozen. Kaya imbes na itext ko siya ay pinagpaliban ko na lang. Kung ayaw niyang magparamdam, edi mabuti, para di ko na siya masaktan. Pero ako ang nasasaktan eh. I don't know why.
Dumating ang school festival. Naging busy ako sa mga events. Hindi parin nagpaparamdam si Rozen. Habang inaayos ko ang mga decoration sa mga stage, booth at kabuuan ng school ay nakasalubong ko si Rozen kasama ang dalawang babaeng inaakbayan niya.
Uminit ang ulo ko. Tumaas ang altapresyon ko. Pero alam kong wala ako sa lugar kaya tatahimik ako. Tatahimik ako. Tatahimik ako.
Uulitin ko.
Tatahimik ako.
Nang bigla nilang na tapakan ang iilang decorations sa show off ng mga banda (kung saan kasali ang Zeus - banda ni Noah). Kinagat ko ang labi ko.
Pinigilan ko ang sarili kong magsalita.
"Hoy! Miss! Yung decoration! Ingat naman kayo sa paglalakad! Kay laki nitong field, dito pa kayo maglalakad!" Sigaw nung kasama kong officer.
Sige lang! Sigawan niyo ang mga iyan.
"Sorry, ah?" Tumaas ang kilay ni Rozen at ngumisi.
BINABASA MO ANG
Heartless (Published under Sizzle and MPress)
Storie d'amoreElevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupuntahan mo. Yung feeling na palapit pa lang yung birthday mo. Yung feeling na palapit pa ang isa pang espesyal na araw. Yung feeling na ilang o...