Kabanata 25
Paasa
Lumipas ang isang linggo at habang tumatagal ay nawawalan ako ng ganang gawin ang mga duties ko sa council at maging ang mga group works ko.
Napatalon ako galing sa pagkakatulog nang biglang nag alarm ang cellphone ko. Kinusot ko ang mata ko at inabot ito para tignan kung anong meron. Lagi kasing ganito. Tuwing nahahawakan ito ni Rozen, lagi siyang may dinadagdag.
"Group meeting. Library. Kumain muna bago umalis." Napangiti ako sa nakalagay.
Bumangod agad ako, naligo, kumain, nagbihis, nag ayos. Tama. May group meeting nga kami ngayon. Ang hirap kasi midterms na. Ang bilis talaga ng panahon.
Naging busy ako. Halos pasan ko lahat ng books ko tuwing pumupuntang school. Nakakawala nga ng poise kahit na todo dress parin ang soot ko.
"Coreen, paano yung term paper sa history?" Tanong noong isang kagroup ko sa history nang nagkasalubong kami.
"Tapos ko na yun. Ngayon ko isa-submit."
Tumango siya at ngumisi.
Natapos ko halos lahat ng requirements dahil sa mga alarm ni Rozen. Natapos niya kaya yung kanya? Sa mga araw na hindi kami nagkikita, gumagawa din ba siya ng kanyang requirements?
Nag ti-text naman siya sakin, as usual. Gaya ng dati niyang tinitext: Kumain ka na ba? May kukuha ba sayo pag uwi? Lahat ng concerned questions ay natanong niya na. Minsan di ko na siya nasasagot dahil masyado na akong busy sa council.
Papunta na ako sa Audio Visual Room, kung saan kami magkaklase sa isang major subject. Mag rereport ang ilang groups ngayon. Magaan ang loob ko kasi tapos ko na ang report na iyon at wala na akong problema. Hinihigop ko itong coffee crumble na shake sa isang kamay habang naglalakad palapit sa corridor papunta AVR nang bigla kong naaninaw si Noah at ang kanyang buong banda sa dadaanan ko.
"Oh... darn." Sabi ko sa sarili ko.
Simula kasi noong binigay namin ang pagkain sa mga pulubi ay hindi na ulit kami nagkita ng ganito. Totoong nakita ko siya sa bar, pero hindi ko naman siya nilapitan at hindi niya rin naman ako nakita. Ngayon, alam na alam ko na ako iyong tinitignan siya. Sa gitna nI Wade at ni Warren na mukhang naglolokohan ay ang nakahalukipkip at seryosong ekspresyon ni Noah na nakatingin sakin.
Hindi ko alam kung anong ginagawa nila sa tabi ng AVR at bakit sila nandoon. May pasok ba sila doon kanina?
Papalapit na ako nang papalapit nang nakita kong mas lalong lumalalim ang titig niya sakin. Tumigil ako sa pag higop ng shake. Napayuko ako at napapikit sa desisyon kong lumiko at bumalik na lang mamaya pag wala na sila.
Humakbang na ako palayo. Ilang hakbang pa lang ay may humila na agad ng braso ko. Masyadong malakas ang pagkakahila kaya na tapon ang dala kong shake sa damit ko. Kumunot ang noo ko. Kung sino man itong humila sakin ay ililibing ko itong buhay.
Unti-unti akong tumingala para bugahan ng apoy ang tao.
BINABASA MO ANG
Heartless (Published under Sizzle and MPress)
RomantikElevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupuntahan mo. Yung feeling na palapit pa lang yung birthday mo. Yung feeling na palapit pa ang isa pang espesyal na araw. Yung feeling na ilang o...