Kabanata 28
Mahal Ko Na
Hindi magsink in sa utak ko yung sinabi ni Noah sakin. Dumating yung order kaya nabasag ang titigan naming dalawa.
"Let's eat." Aniya.
Tumango ako kahit alam kung hindi ako makakakain ng maayos.
Halos hindi ko malunok ang bawat pagkaing nginunguya ko. Ang tanging nararamdaman ko ngayon ay iyong puwang sa puso ko at ang tanging iniisip ko ay ang pagkakahulog ni Noah sakin.
Hindi ko siya matanong ulit tungkol dun. Hindi ko alam kung bakit. Parang ayokong malaman ang mga kasunod. Ayokong marinig kung ano pang pwede niyang sabihin. Tama na dito. Dito na lang ako. Sa gitna ng katotohanan at ng akala ko ay totoo.
Dahil alam ko... kahit na wala pa siyang sinasabi... alam kong malaki ang kinalaman ni Rozen dito. At ayaw kong malaman kung ano pang mga ginawa niya para lang pumagitna samin ni Noah. Ayoko.
Kahit na alam kong malalaman ko rin iyon ngayong magkasama kami ni Noah. Papunta kami ng sinehan nang nagsalita siya ulit.
"He liked you first, Coreen."
Pinagdikit kong mabuti ang mga labi ko nang sa ganun ay hindi na ako magtanong. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko.
"He told me to back off."
"Bakit ngayon lang? Bakit ngayong college na tayo?"
Napatingin siya samin. Nasa tapat na kami ng sinehan. Hindi pa namin napag uusapan ang panonoorin naming movie. Pero kahit saan, wala akong pakealam.
Bumili siya ng ticket. Pinili niya iyong movie'ng ang bida ay superhero.
"Dalawa po." Aniya.
Pinagtitinginan siya ng mga babae sa likod niya. Halatang medyo na di-disturb sa kanyang kagwapuhan.
"Thank you." Ni hindi niya tinignan ang babaeng nagbigay ng ticket sa kanya na malaki ang ngisi.
"Hello..." Nahihiyang sambit ng medyo matangkad, chinita at maingay na babae sa likod.
Kanina pa nila pinagmamasdang mabuti si Noah. Napangisi ako. Ganyang ganyan din ang reaksyon ng mga babae kay Rozen. Mga Elizalde talaga. Kaya lang... kung si Rozen ay mas lalong ngumingisi, si Noah naman ay mas lalong sumisimangot.
Bumaling siya sakin at ipinakita ang dalawang ticket.
"Okay ba ito sayo?" Tanong niya.
Tumango ako.
Nilingon ko ang natahimik na mga babae na ngayon ay nagbubulong-bulungan na sabay tingin sakin.
"Let's go, Coreen." Aniya saka pinadausdos ang kamay niya sa palad ko.
BINABASA MO ANG
Heartless (Published under Sizzle and MPress)
Любовные романыElevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupuntahan mo. Yung feeling na palapit pa lang yung birthday mo. Yung feeling na palapit pa ang isa pang espesyal na araw. Yung feeling na ilang o...