Kabanata 30
I'm In Love With Your Brother
Hindi ko na kailangang iwasan si Rozen. Siya na mismo ang umiiwas sakin. Ni hindi niya ako magawang tignan. Nasasaktan ako pero wala akong magagawa. Hindi ko talaga nagustuhan ang prinsipyo niya. Hindi rin naman ako mabuting tao, pero hindi ko iyon kayang gawin sa kanya. Kung mahal ko siya at may mahal siyang iba, hahayaan ko siya.
Noah:
Hey, may practice kami ngayon, gusto mong sumama?
Napabuntong-hininga ako at nagtype ng irereply.
Ako:
Noah, I'm sorry, may group activity ako ngayon. Maybe next time.
Ganito palagi ang reply ko sa kanya. Totoong may group activity ako. Pero madalas, ginagawa ko lang itong excuse. Hindi naman sa iniiwasan ko siya. Ayaw ko lang na bigyan siya ng rason para umasa sakin gayong alam kong wala na akong magagawa. Hindi na maagaw ang puso ko. Nasa ibang tao na.
Dalawang buwan ang nakalipas simula noon. Minsan nagkikita kami ni Noah, pero hindi na ulit nasundan ang date. Lagi kong ginagawang busy ang sarili ko nang sa ganun ay hindi na ako makapag isip pa. Hindi na rin ako ginulo ni Rozen pero nandyan parin ang mga alarm niya, buhay na buhay parin sa cellphone ko.
Iyon lang ang tangi kong pinanghahawakan. Iyon lang ang lagi kong tinitignan.
"Lapit na pala ng birthday mo, Coreen." Sabi ni Reina habang abala sa paglilista sa kanyang dadalhin sa Camino Real.
Asus! Camino Real daw pero alam kong hindi siya makakarating dun! Kina Wade siya dederetso.
Ngumisi ako. Buti pa ang isang ito, maliwanag ang love life.
Habang nag uusap kami at naghahanda ako para sa finals ay nakita ko sa malayo si Noah, nakatitig saming dalawa ni Reina. Umayos ako sa pag upo at napalunok.
Tinanggihan ko kasi ang alok niyang lunch kanina dahil sinabi kong tapos na akong kumain kanina. Napatingin ako sa table naming may pagkaing di pa nagagalaw.
"Patay." Sabi ko sabay tingin ulit kay Noah na ngayon ay galit na.
Umirap siya saka nag walk out na nakapamulsa.
"Ansabe mo, Coreen?" Tanong ni Reina.
"Teka lang, Reina." Sabi ko. "A-Alis muna ako."
Tumayo agad ako at naglakad na sa kung saan umalis si Noah.
"Coreen, kakain pa tayo ah?"
Kinawayan ko na lang si Reina. Halos tumakbo na ako para lang maabutan si Noah. Nakita ko siyang mabilis ang lakad sa corridor. Halata sa bigat ng paa niya ang inis.
BINABASA MO ANG
Heartless (Published under Sizzle and MPress)
RomanceElevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupuntahan mo. Yung feeling na palapit pa lang yung birthday mo. Yung feeling na palapit pa ang isa pang espesyal na araw. Yung feeling na ilang o...