Kabanata 16
Passion
Nagmadali ako sa pagpasok sa kanyang sasakyan. Dala-dala ko ang bouquet na bigay niya. Nakita kong marahan siyang naglakad pabalik sa akin. Tumatawa-tawa pa dahil panay ang sigaw ng mga kasama ko. May isa pa sa kanilang halos mangisay sa kilig. Umiling ako. Syempre, aaminin ko, gwapong gwapo ang Elizalde na ito. Ikaw ba naman ang pakitaan niya ng ganoong eksena, hindi ka ba mahihimatay sa kilig?
Tumatawa siya nang pumasok sa sasakyan.
"Ano na naman itong pakulo mo, Rozen?" Tanong ko sa kanya sabay pakita sa bouquet.
"Ano pa? Edi sinusundo kita!" Tumawa siya.
"Anong klaseng sundo iyon? That was too flashy!" Sabi ko sabay lingon sa mga kasama kong nakatingin parin samin at mukhang hanggang ngayon ay hindi pa nakakaahon kanina.
"COREEEN!" Sigaw nung isang babae.
Nagthumbs up pa siya sakin.
"Let's go!" Umiling ako habang tinitignan ang babae.
Nakakabuang ba talaga ang isang Elizalde? Kahit hindi nila sinasabi saking nasasayangan sila kay Rozen ay nakikita ko iyon. Nakikita ko ang panghihinayang sa mga mata nila dahil may girlfriend na ito.
Naku! Kung alam niyo lang. Papatulan kayo nito pag wala ako. Traydor ang isang ito. Laging hinahayag yung damdamin niya para sakin pero pag wala ako, ang daming babae!
Nang umandar na ang sasakyan niya ay naramdaman ko agad ang malakas na ihip ng hangin. Napahawak ako sa buhok ko. Ang isang kamay ko naman ay nakahawak sa bouquet niya. Sinulyapan niya ako.
"Like it?"
Ngumuso ako at tinignan ang mukhang mamahaling bouquet.
Well, hindi lang siguro mukhang mamahalin. Elizalde itong kausap ko. Siguradong mamahalin. Baka nga may gold sa mga dahon ng mga roses na ito.
"They're okay." Tumango ako at sinulyapan siya.
Nakangisi parin siya habang nakatingin sa kalsada.
"The look on your face while I gave you the flowers? Priceless!" Tumawa siya.
Hinampas ko siya, "Nananadya ka ba talaga? Tsss." Umirap ako. "Alam mo namang baliw ang mga kasama ko sa student congress. Kanina, nung bigla kang pumasok, halos mamatay sila sa kilig!"
"Eh ikaw, kelan ka mahihimatay sa kilig sakin, Coreen?" Kinagat niya ang labi niya.
Ngumuso ulit ako. Ayokong patulan ang pambobola niya o kung ano mang tawag sa ginagawa niya sakin ngayon.
Sumisipol pa siya nang papasok kami sa hotel. Sa kabilang kamay niya ay hinahagis-hagis niya ang susi ng kanyang kotse. Nang kinuha namin ang card ng presidential suite na kinuha niya sa front desk ay doon ko napagtanto na oo nga pala, magkasama kami sa iisang kwarto. Iisang kama! OH NOES!
BINABASA MO ANG
Heartless (Published under Sizzle and MPress)
RomanceElevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupuntahan mo. Yung feeling na palapit pa lang yung birthday mo. Yung feeling na palapit pa ang isa pang espesyal na araw. Yung feeling na ilang o...