Kabanata 45
Endless Chase
Nagmamadali akong lumabas sa school sa araw na iyon dahil masyadong umalingawngaw ang balitang inaway ko si Elle. Naiirita ako at pag naririnig ko ang tsismis ay gusto ko na lang kalbuhin yung mga nagsasalita.
Hindi ako nagpasundo dahil masyado na akong nagmamadali. Napagdesisyunan kong pumara nang taxi malayu-layo sa school nang sa ganun ay wala na akong marinig na tsismis.
Sumakit yung paa ko sa kakalakad nang nakarating na ako sa lugar kung saan ko naisipang pumara ng taxi. May nakita akong isa. Papara na sana ako nang biglang sumulpot sa harapan ko ang sasakyan ni Rozen.
True. Parang nalusaw ang nararamdaman ko. Ang saya ko. Kaya nga bwisit na bwisit ako dahil sa lahat ng pinaggagawa niya, nababaliw parin ako pag nagpapakita siya sakin.
"Anong ginagawa mo dito?" Galit ko siyang tinuro nang bigla siyang lumabas.
Hindi siya umimik. Hinigit niya ang braso ko at binuksan ang pintuan ng sasakyan niya.
"Bit..." Halos bigwasan ko siya sa ginawa niya. "tiwan mo nga ako!"
"Let's go!" Aniya saka tinulak ako papasok sa sasakyan niya.
Hindi naka open-mode ang BMW niya ngayon kaya nang ni lock niya ang buong sasakyan, wala akong nagawa kundi ang hampasin ang pintuan.
"BWISIT!" Sigaw ako ng sigaw habang pinagmamasdan siyang umikot para pumasok sa driver's seat.
Tumigil ako sa paghampas ng pintuan dahil alam kong useless naman iyon. Pinanood ko siyang umupo at sinarado ang pintuan ng sasakyan. Agad naman niyang pinaharurot ito.
"Ano ba?" Sinigawan ko siya.
"Ba't ka nandito? Hindi ba dapat si Elle ang kasama mo?" Hinampas hampas ko ang braso niya sa sobrang inis.
Kahit na iritadong iritado ako, nandyan parin ang saya na nararamdaman ko. Ang saya ko dahil magkasama ulit kami. This is not good. I need to take Noah's advice. Hindi pwedeng bibitiwan niya ako at pupulutin kung kailan niya gusto.
Sinabi niyang mahal niya ako pero hindi niya iyon mapanindigan. Kailangan kong makita iyon, maramdaman. Prove it to me, Rozen.
"Ba't siya ang kasama ko?" Tanong niya habang nakatoon parin ang atensyon sa kalsada.
Hinampas ko ulit ang braso niya. Gusto ko siyang saktan, physically, emotionally, whatever basta masaktan ko lang siya. Gusto kong ibuhos lahat ng hinanakit ko sa kanya.
"Pinili mo siya, diba? Iniwan mo ako sa gabing iyon tapos di ka na nagparamdam?"
"Anong hindi? Ilang beses ako sa isang araw nag ti-text sayo?"
Kinurot ko ang gilid niya at hinampas ko ulit siya.
BINABASA MO ANG
Heartless (Published under Sizzle and MPress)
RomanceElevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupuntahan mo. Yung feeling na palapit pa lang yung birthday mo. Yung feeling na palapit pa ang isa pang espesyal na araw. Yung feeling na ilang o...