Kabanata 51

1.8M 42.2K 21.3K
                                    

Kabanata 51

Wade and Reina

Panay ang study ko para sa finals. Graduating, e. Sabayan pa ng pag tatrabaho ko sa bank. Nakakastress. Buti na lang at nandyan palagi si Rozen. Lagi niya akong sinusundo at lagi siyang may surpresa. Ice cream, bulaklak, chocolate, etc.

Hindi ko pa nababanggit kay Mommy o kay Daddy ang tungkol kay Rozen. Hindi rin naman ako nangangamba dahil kilala na nila si Rozen noon pa. Ang problema ko lang ay kung paano ko kukumbinsihin si mommy na si Rozen at hindi si Noah ang Elizalde'ng gusto ko. Lumaki kasi ako na si Noah ang iniisip niyang crush ko.

"Done?" Tanong ni Rozen sa akin pagkatapos ng final exams namin.

Tumango ako at ngumiti.

Sure bet ang exam na iyon. Sigurado akong papasa kaya walang problema kung gagraduate ba ako o hindi. Ngayon, ang iniisip ko na lang ay ang nalalapit na kaarawan ni Noah at Rozen, at syempre ang pagbabalik ni Reina.

Syempre, dumalo ako sa birthday ni Noah. Sa bahay lang nila ginanap. Aniya'y ayaw niyang sa labas at baka magpakita daw ulit si Megan. Hindi naman siya masyadong nagrereact sa aming dalawa ni Rozen. Sinasaway ko rin kasi ang isang iyon pag nasosobrahan na sa PDA.

"Coreen, anong gift mo para sakin?" Tanong ni Rozen nang dumating na ang birthday niya.

"Wala!" Pagbibiro ko kahit na bibigyan ko siya ng cake.

"Ano?" Niyakap niya ako galing sa likuran. "Anong wala. Dapat meron." Aniya.

"Wala!" Sabi ko ulit.

"Kahit Oo mo na lang." Tumawa siya.

"Ayoko nga!"

"O baka naman, 'Oohh at Ahh' mo na lang?" Humagalpak siya sa tawa kaya hinambalos ko na ang lintek ng bag ko.

Madalas kong makasalubong si Elle. Hindi gaya ng dati na pinapalibutan siya nina Kristen, madalas na siyang mag isa ngayon. Pilit kong pinansin siya nang sa ganun ay maramdaman niyang wala akong hinanakit sa kanya o ano man. Pero napagtanto ko, nang di niya ako pinansin, na kahit wala akong hinanakit sa kanya, maaring siya ang may hinanakit sa akin.

"Rozen, nag uusap pa ba kayo ni Elle?" Tanong ko.

Kumunot ang kanyang noo bago ako tinignan, "Hindi. Bakit?"

"Wala lang." Nagkibit balikat ako.

Ang awkward siguro ng sitwasyon nila. Magkaklase at nagkikita araw-araw pero hindi na nag uusap tulad ng dati. Napabuntong hininga ako at napatingin sa nag dadrive na si Rozen. Mukhang walang pake ang isang ito.

Ang saya-saya ko nang gumraduate na ako. Sa wakas! Ngayon, mapag tutoonan ko na ng pansin ang pagtatrabaho.

"Congratulations, Coreen." Sabay halik ni mommy at daddy sa akin.

Ang saya-saya ko nun. Naaninag ko agad si Noah na nakapamulsa at kasama si Ate Julie at Kuya Luke. Noong una, akala ko nandito siya para icongratulate ang kanyang kapatid, pero napagtanto ko na nandito siya para sa akin.

Heartless (Published under Sizzle and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon