Kabanata 38
You Don't Own Me
Buong gabi akong umiyak. Buong gabi. Hindi ako natulog. Nang nag alas dose ay panay ang tunganga ko sa cellphone ko. Ni hindi ko alam kung anong number niya o ganun parin ba ang numero niya. Kahit kailan hindi ko pa siya na titext, eh.
Bakit ko hinayaang lumipas ang anim na buwan nang walang ginagawa?
Tuwing nag bi-bell ay palagi siyang nagmamadaling umalis. Hindi ko alam kung saan papunta. Madalas ay may kausap sa cellphone. Pakiramdam ko para iyon sa kanilang negosyo. At mas lalong naging hectic ang schedule ko dahil isang taon na lang ay gagraduate na kami, pero ngayon, sana pala ibinagsak ko na lang lahat para lang mapagtuunan siya ng pansin!
Shit!
Mas lalong tumulo ang luha ko. Hindi ako makapaniwala sa iniisip ko. Kaya ko bang gawin iyon para sa kanya?
Naalala ko na naman ang scene na iyon. Silang dalawa ni Elle, sa pintuan ng fast food. Ang pag kurot ni Elle sa kanyang dibdib at ang titig ni Rozen sa mga mata ni Elle. This is torture. Kaya lang hindi ko mabitiwan ang pag iisip nito. Para bang ito ang bumubuhay sa akin.
Sinubukan kong mag online sa Skype o kahit sa Facebook. Baka sakaling may makausap ako. Offline si Reina. Mukhang busy sa kanyang pag aaral. May mga nag cha-chat sakin sa Facebook. Akala ko gusto ko ng kausap, pero hindi ko magawang mag reply.
Ni search ko si Rozen sa Facebook. Hindi kasi kami friends at wala akong lakas na loob na i-add siya noon. Napalunok ako at napapikit nang ni click ko ang "Add Friend". I have to change things if I want them to change. Kailangan kong kumilos. Pero paano? Umuurong ang sikmura ko.
Kung noon ay kayang-kaya ko ang pakapalan ng mukha para mag confess kay Noah, ngayon, halos mahimatay ako naiisip ko pa lang na sasabihin ko kay Rozen ang nararamdaman ko.
Hindi naka private ang kanyang mga posts kaya kitang kita ko ang ni-post niya kaninang hapon, "Damn happy."
Syempre maraming nag like. Isa sa mga kaibigan niya ang nag comment ng, "Totohanan na ba yan?"
Hindi ko na binasa ang lahat ng comments. Gusto ko na lang basagin ang iPad ko. Imbes na hawakan ito ay nilapag ko na lang sa side table at sinubukan kong pumikit hanggang sa nag umaga na. Oo, literal akong hindi nakatulog.
"No, Coreen, you can't look stressed on his birthday!" Iyon ang pinabalik-balik ko sa utak ko nang sa ganun ay makatulog ako.
Nakatulog ako ng dalawang oras. Anong diperensyang magagawa nun? Wala.
"Coreen..."
"Po?" Sigaw ko kay manang nang kinatok niya ako pagkatapos kong maligo.
Naghahanap na ako ng maisusoot ngayon kahit mamaya pa naman yung party sa Club Tilt.
"Nandito si Noah."
BINABASA MO ANG
Heartless (Published under Sizzle and MPress)
Storie d'amoreElevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupuntahan mo. Yung feeling na palapit pa lang yung birthday mo. Yung feeling na palapit pa ang isa pang espesyal na araw. Yung feeling na ilang o...