Kabanata 39

114K 1.7K 0
                                    

Kabanata 39

You Don't Tell Me

She deserves him. The way he deserved her. Let's face it. Hindi ako magiging bias dahil lang naiinsecure ako kay Elle. Mahal na mahal niya si Rozen, sa puntong kaya niyang ipangalandakan iyon sa buong mundo. Ako, wala akong ginawa kundi itago ang nararamdaman ko sa takot na balewalain niya. Kahit noong una ay binalewala si Elle, hindi natinag ang nararamdaman niya. Habang ako? Pinamukha lang sakin ni Rozen na na-fall out na siya ay pinang hinaan agad ng loob.

Tumakbo si Noah para yakapin ako. Tulala ako doon sa parking lot at walang ginawa kundi ang hintayin matapos ang pag luha.

"Anong nangyari?" Galit na sigaw ni Noah.

Naramdaman kong nanginig ang kanyang braso habang yakap yakap ako. Hindi ko na kayang magsalita. Kaya imbes na paulanan niya ako ng tanong ay hinila niya ako papasok sa sasakyan niya.

"Anong ginawa niya sayo?" Saka niya pa lang ako matamang tinanong nang nag park na siya sa tapat ng bahay namin.

Humupa na ang luha ko pero hindi ko parin maiwasang matulala.

"Coreen." Kinalabit ako ni Noah.

Napatalon ako at tinignan ko siya. Namumuo na naman ang luha ko kaya suminghap ako at pinigilan ito.

"W-Wala. Kasalanan ko." Sabi ko tsaka umambang aalis na sa sasakyan niya.

"Coreen, tell me!" Hinigit niya ang kamay ko.

Tumulo ang namuo kong luha. Hindi ko kayang balikan ang buong pangyayari kaya simple kong sinabi sa kanya...

"He rejected me, Noah. Si Elle na ang gusto niya."

Nanlaki ang mga mata niya.

Ilang sandali pa siya bago nagsalita, dahilan kung bakit mas lalo akong naiyak. Kilala ni Noah ang kuya niya at siya ang nagpapalakas sa loob ko noong nasa France si Rozen... at ngayong nakikita ko siyang devastated sa nangyari ay parang mas lalo akong nayayanig.

Everything felt like a sure bet. Yun bang hindi ko na pwedeng tawagin iyong sugal kasi pakiramdam ko akin na talaga yun. Yung walang duda, sakin ang bagsak. Ganun din siguro ang nararamdaman ni Noah. At ngayong pareho naming napatunayan na hindi na... na wala na... na sa isang iglap ay natalo ang sugal naming dalawa ay pareho kaming nawalan ng pag asa.

Tumikhim siya at hinilamos ang kanyang palad. Tinitigan niya ako gamit ang nakakunot niyang noo. Medyo humuhupa na ang luha ko, pero iyon ay dahil pinipilit kong maging okay. Think of happy thoughts, Coreen! Think! Happy kaya ang isiping mukhang may kumalat na epidemya sa tiyan ko at namatay lahat ng kulisap? Will that make me happy?

"Are you really sure?" Aniya.

"Tinanong ko siya, at iyon ang naging sagot niya. Noah, I don't know what to do? Will I chase him?"

"Tigilan mo na 'to."

Mas lalo akong nabigo. Alam kong ganun ang sasabihin niya. Alam ko, sigurado ako. Alam niyang sinabi ko kay Rozen ang nararamdaman ko at ngayong may iba na siyang gusto, kailangan ko ng sumuko.

Heartless (Published under Sizzle and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon