Kabanata 4
A bit of Guilt
Pagkatapos ng nangyaring iyon sa amin ni Rozen ay hindi ko na hinayaan ang sarili kong mapalapit pa sa kanya. Kahit literal na mapalapit.
"Coreen, may praktis sina Noah sa bahay. Gusto mong bumisita?" Tanong ni Reina sakin.
Ngumisi ako nang narinig ang pangalan ni Noah pero unti-unti ring napawi ang ngiting iyon. Coz I know, the evil Elizalde is there.
"Ah, hindi ako pwede. May lakad kami ng family ko." Sabi ko.
Sayang ang pagkakataon na yun ah? Pero hindi ko kayang makita ulit ang hayop na Rozen na yun! Maha-highblood lang ako at baka magdilim ang paningin ko, masuntok ko ulit ang pumutok na labi nun.
In speaking of family, totoo namang may lakad kami ng family ko. Close kasi kami ng pamilya ko. Iyon nga lang, ako yung pinaka bata. Si Kuya Luke at Ate Julie ay parehong may pamilya na. Maaga kasing nag asawa ang mga magulang ko kaya ayun at ang babata pa nila ay matanda na ang panganay na si Kuya Luke at sinundan namain ni Ate Julie. Ako yung bunso.
Mahilig sa bonding ang pamilya namin kaya ngayon ay nandito kami sa isang garden restaurant. Country Side. May butterfly garden sa labas at may mga stone path. Mahilig mag experiment sina daddy at mommy. Mahilig din silang bumisita sa ibang bansa, tumikim ng iba't-ibang pagkain at iba pa.
Kakaupo ko pa lang sa wooden chair ng Country Side nang nahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na lalaki.
"SHIT!"
"Watch your mouth, Coreen!" Untag ni Kuya Luke sakin.
Inirapan ko siya at nilingon ulit ang lalaki. ROZEN GAISER ELIZALDE IN THIS PLACE? WHY IN THE EFFING WORLD?
Nilingon ko ulit ang hayop na si Rozen. After 2 years ay nagkalapit ulit kami ng at least 5 meters!
Inosente siyang tumitingala sa mga intricate design ng ceiling ng restaurant. Umiling ako at umiirap sa hangin.
"Anong problema mo, hija at nagtataray ka na naman?" Tanong ni Ate Julie habang pinapakain ang anak niya.
"Nothing, ate... Just..."
Hindi ko na nagalaw ang pagkain ko. Padarag kong binitiwan ang mga kubyertos ko tsaka tumayo.
"CR lang po ako." Sabi ko sa kanila.
Tumango si mommy kaya dumiretso na ako sa kay Rozen. Napatalon pa siya noong nakita ako, lalo na yata noong kinwelyuhan ko na siya.
"Hayop ka, anong ginagawa mo dito?" Pabulong kong sinabi.
"Easy, Coreen... Easy..." Tumawa siya. "You scared the shit out of me." Sumulyap siya sa table namin. "Nandito ka pala?"
Binitiwan ko ang t-shirt niya. Baka kasi unang maagnas ang kamay ko. Pakiramdam ko germs ang hinahawakan ko.
BINABASA MO ANG
Heartless (Published under Sizzle and MPress)
RomanceElevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupuntahan mo. Yung feeling na palapit pa lang yung birthday mo. Yung feeling na palapit pa ang isa pang espesyal na araw. Yung feeling na ilang o...