Kabanata 36

1.4M 40.7K 27.6K
                                    

Kabanata 36

Fall-out

Hindi na ulit lumabas si Rozen sa kanyang kwarto. Buong araw kaming namasyal ni Noah sa mall. Kung anu-ano ang nisa-suggest ko para lang makalimutan ko ang pagbabalik ni Rozen pero wala akong maisip kundi siya.

"Nag enjoy ka ba?" Tanong ni Noah sakin nang nasa sasakyan niya na ako.

Ni hindi ako nakikinig. Tulala akong nila-lock ang seatbelt.

"Coreen!" Tawag niya.

Napatalon ako at nilingon siya. Nakita ko ang malungkot niyang mukha.

"Sorry." Sabi ko.

"You can't get him off your mind, huh?"

Lumunok na lang ako at hindi na nagsalita. Kahit siguro anong gawin kong pag dedeny ay hindi iyon paniniwalaan ni Noah.

Bumuntong hininga siya at pinaandar ang sasakyan.

"What are you gonna do now, Coreen?" Tanong niya. "Paniguradong sa pasukan, papasok iyan."

"Gaya ng sabi mo, maghahanap ako ng magandang tyempo. I can't just go up to him and tell him I love him, Noah. Kakarating niya lang. Anong iisipin niya."

"At naabutan niya pa tayong magkasama sa loob ng kwarto ko. I guess you're right. Pahupain mo muna ang selos nun." Tumawa siya.

Bumilis ang pintig ng puso ko. Naririnig ko pa lang na nagseselos si Rozen ay para na akong mababaliw.

"Weh! Wa'g mo nga akong bolahin." Tumingin ako sa mga sasakyang nasa labas.

Tumawa na lang siya.

At least sa mga pahirit-hirit ni Noah, medyo nagkakapag asa ako na ako parin.

Nanginginig ang paa ko pagkapasok ko ng school sa unang araw ng eskwela. 2nd sem na. Eksaktong dalawang taon sa pag alis ni Rozen. Kaya ibig sabihin, si Noah ay nasa 2nd sem ng kanyang pag fo-fourth year. Samantalang ako naman ay nasa 2nd sem ng pag thi-third year tulad ni Rozen. Yes. Naungusan na siya ni Noah.

At ibig sabihin din nito ay malaking posibilidad na magiging magkaklase kaming dalawa. Napalunok ako nang papasok ako sa unang klase.

Hindi ko na kinailangan ang alarm dahil halos di ako makatulog kagabi. Umupo ako sa ikatlong row. Pwede namang umupo kahit saan kaya okay lang kung dito. Dumating sina Kristen, Ivy at Trina. Umupo sila sa tabi ko.

Halos dumating na ang lahat ng kaklase ko.

"Baka walang prof ngayon kasi unang araw." Sabi ni Trina.

Hindi ako makasali sa usapan kasi inaabangan ko talaga ang pag dating ni Rozen. Nakatoon ang buong atensyon ko sa pintuan.

Unti-unting nalaglag ang panga ko nang nakita kong lumiko siya sa pintuan at pumasok. Halos mabali ang leeg ng mga kaklase namin sa kakatingin sa kanya. Ni hindi na ako makagalaw sa kina uupuan ko. Ang bilis at ang lakas ng pintig ng nag huhuramentado kong puso.

Heartless (Published under Sizzle and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon