Kabanata 12
Saved
Sa sumunod na mga araw, medyo naging busy nga ako sa mga requirements para sa midterms. Mabuti na lang at medyo naging busy na rin si Reina. Hula ko dahil kay Wade dahil kanina lang ay nakita ko silang magkasama.
Sana lang ay hindi niya pabayaan ang pag aaral niya. Nangungulelat pa naman iyon sa klase.
“Oh my gosh!” Sigaw ko nang may napagtanto ako.
Dumapo ang palad ko sa noo ko. Oo nga pala, may group meeting nga pala kami ngayon! Patay! Mamaya na yung reporting!
Nahihirapan talaga akong mag manage ng time. Kailangan ko ng organizer or mag paalarm sa mga gagawin ko. Madali kong niligpit ang mga gamit ko. Doon daw kami pupunta sa library! Tinignan ko ang relo ko at nakitang isang oras na akong late para sa meeting na iyon.
At isang oras na lang ay klase na namin sa major na iyon! Kung minamalas ka nga naman! Nakakarma na ata ako sa mga kabobohang ginagawa ko.
Hinihingal ako nang nakarating na sa library. Agad kong kinuha ang cellphone ko at nidial ang numero ng ilang groupmates ko.
“Hello, Shine... Nandito na ako sa library.” Sabi ko.
“Ewan ko sayo, Coreen! Kanina pa kami diyan! Nainis yung leader sayo! Hindi ka na namin isasali!”
“Ha? Kasi naman may ginawa pa ako kasama yung mga kagroup ko rin sa Philo. Alam mo naman mahirap yung subject ni Mr. Dimaano.”
Napaupo ako sa isang upuan doon sa library.
“Ah eh basta! Kausapin mo na lang si Kristen! Inalis ka na niya sa grupo kasi wala ka dawng natulong.”
“Ano? May isang oras pa naman bago mag reporting ah?”
“Kahapon 7:30 dapat yung meeting natin sa powerpoint, hindi ka dumating. Tapos ngayon, finalize na ang lahat, hindi ka parin nakarating.”
Kinagat ko ang labi ko. Hindi kasi ako nagising kahapon kaya eto at nagkandaletse-letse ang buhay ko.
“O, sige na. Naghahanda na kami. Kausapin mo na lang si Kristen kung gusto mong sumali.”
Binabaan ba naman ako ng bruhildang iyon pagkatapos niya akong sermonan. Ni dial ko ang numero ng leader naming si Kristen pero hindi niya iyon sinasagot. Darn! Anong gagawin ko ngayon? Hahanapin sila sa buong campus? Hahalughugin ko kung saan sila nagtatago?
Dapat kasi hindi na lang ako sumali sa student council. Isa pa, mas gusto ko yung ako lang mag isa sa isang group, mas effective akong mag isa, pero sa activity na ito kailangan ng groupings eh.
Halos sabunutan ko ang sarili ko sa inis. Leche! Pinagkakaisahan ata ako!
BINABASA MO ANG
Heartless (Published under Sizzle and MPress)
RomanceElevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupuntahan mo. Yung feeling na palapit pa lang yung birthday mo. Yung feeling na palapit pa ang isa pang espesyal na araw. Yung feeling na ilang o...