Kabanata 33

1.5M 40.3K 16.3K
                                    

Kabanata 33

Insecurities

Unang araw ng second sem, late ako.

Walang tumunog na alarm para iremind sakin kung anong oras dapat akong nagigising. Walang nag oorganize ng schedule ko. Mali-mali ang mga klaseng napasukan ko. Ni hindi ako nakapaglunch kasi walang nagparemind sakin.

"Anong kahibangan 'to, Coreen?" Sabi ko sa sarili ko.

Hindi ko matanggap na alas dos na at saka pa ako mag lu-lunch. Ni hindi ko alam kung kailan dapat tumigil sa kakatalak sa mga kaklase para lang kumain.

Lagi kong nichi-check ang cellphone ko para lang tignan kung may alarm ba kahit alam kong wala.

Ilang linggo na ang nakalipas at ganoon parin ang gawain ko. Mabuti sana kung araw-araw akong niyaya ni Noah mag lunch kaya lang, once a week niya lang ginagawa iyon. Masyado siyang busy. Syempre, second year na siya at mukhang may Field Study na sila. Busy din siya sa pagbabanda.

Isang araw ay pumasok ako sa isang major subject.

Tumunganga lang ako habang hinihintay ang professor namin nang may biglang kumalabit sakin.

"Coreen." Aniya.

Nilingon ko ang isang pamilyar na boses at nakita kong si Wade iyon.

"Ano?" Tanong ko.

Lumingon-lingon siya saka ako kinausap. "Kamusta na si Reina? H-Hindi pa ba siya babalik?"

Napaupo ako ng maayos sa tanong niya. Napaawang ang bibig ko. Marami akong gustong sabihin pero walang lumabas na sagot.

"A-Ano? Coreen, babalik ba siya? Kelan? Mag iisang buwan na, ah?"

Napalunok ako.

"Sorry, Wade... Hindi eh. Nag aaral siya sa-"

"Wala na siyang facebook account. Anong na ang nangyari sa kanya?"

"N-Nag aaral siya sa ibang bansa. Baka matagal pa ang balik niya-"

"Hindi ba siya uuwi ng pasko?"

"Baka sa France na magpasko ang pamilya niya." Napangiwi ako sa sagot ko.

Hinampas niya ang upuan niya. Pinagtinginan kami ng mga kaklase namin. Umiling siya at biglaang nag walk out.

Sa taranta ko ay agad kong nitext si Noah.

Ako:

Noah, tinanong ako ni Wade tungkol kay Reina. Bigla siyang nagwalk out nung sinabi kong matagal pa ang uwi ni Reina.

Agad naman nagreply si Noah.

Noah:

Okay. Salamat. Baka maglasing na naman iyon.

Heartless (Published under Sizzle and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon