Chapter 18

3.8K 34 1
                                    

Kung nakakadiri ang last chapter ni A-Someone, walang nakakadiri ngayon. Hahahaha! Ewan ko ba kung bakit na isip ko yung nakakadiring bagay na yun. Basta ang Alam ko lang, bigla Kong na isip yung Caterpillar na sobrang taba! Tapos nahulog ko, nasagasaan naman ng bike. Hahaha! Kadiriiiiii! >.< XD Sorry Guys ha! (^_^)V

ComVo po tayo. Ciaaaaao!

***

Chapter 18

//Kathryn//

"And its a wrap! Great job everyone! Pack up na tayo! Kath, lapit ka muna." sabi ni Direk. Sobrang saya ko kasi nadeliver ko yung lines ko ng smooth at maayos.

"Hail Kathryn Bernardo!" puri naman ni Quen. Parang magba-bow down na siya sa harap ko sa hitsura niya.

"Baliw ka talaga, Quen." sabi ko lang at bumeso na sa kanya.

"Bye, Ms. Best Actress!" sabi niya. Pagkatapos nun umalis na rin. Inabot sa akin ng PA ko yung tubig ko at lumapit na ako kay Direk.

"Bakit po Direk?" sabi ko habang umiinom ako tubig. Refreshing!

"May inspirasyon ka ata, Kath? You completed all your scenes in just one take. Para kang proffesional." Namula ako dun sa sinabi ni Direk. Nakakaflatter.

"Di naman po Direk."

"Continue that attitude, iha. Ang layo ng mararating mo." ngumiti lang ako sa kanya. Nagbeso ako sa kanya as goodbye at tumuloy na ako.

Pagkapasok ko sa tent, sinalubong ako ng isang masigabong palakpakan ng mga kasama ko. Namula ulit ako.

"Nice one, Kath!" Mike.

"Keep it up!" Kuya Rain (Stylist).

"Hooray!" Clara (PA)

Tuwang tuwa ako. Di ko in expect na may ganun ganun pang nalalaman ang team. Hahaha!

"Pakain! Pakain!" kantyaw nila.

"Hala! Dapat nga ako yung ilibre niyo. Haha!" napatakip pa ako ng bibig habang natawa. Ang hard ko talaga.

"Sige na Kath!" pilit nila.

"Sige na nga!" Minsan lang naman ito kaya pumayag na rin ako.

Pagkatapos namin magligpit ng gamit, nagstarbucks lang kami since Gabi na. Alam niyo naman yung promise ko kay Papa diba? Ayaw ko naman i-break yun. His trust means a lot to me.

BINIBINITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon