30th Chapter

3.3K 44 4
                                    

Will turn everything to 3rd Person's POV but I don't think I can do it right now.

Let's all pray sa lahat ng nasalanta ng bagyo. Di na biro to, Guys. Di man tayo makatulong, pray lang tulong na yun. Salamat.

Dedications requests? Message board is widely open.









Go get crazy, enjoy!




PS. Twitter/Instagram - @alyana_xoxo

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞




"Kakain ka din pala eh..." ani ni Kathryn habang tinitignan ang pagsubo ni DJ sa chicken na binili nila sa Mini stop.

"Okay lang naman kahit di ako kumain eh. Busog pa kasi ako." sagot naman ni DJ. If I know, pakipot lang yan. Gusto niya pipilitin pa ni Kath.

"Ikaw, ayaw mo kumain?" tanong naman ni DJ kay Kathryn. Tanging Vanilla Ice cream lang kasi ang kinakain ni Kath.

"Kumakain naman ako ah. Sarap nga eh." sabi ni Kathryn habang dinidilaan ang ice cream. Patuloy na sumusubo si DJ. Masarap naman pala ang chicken ng Mini stop eh.

"Alam mo, Kath----"

"Di ko alam.." pambabara ni Kath. "De joke lang. Hahahaha!"

"Kukuhanan daw ako ni Mama ng condo sa may The Fort. Diba nga dun yung school." napatingin si Kath kay DJ.

"Aahhh!! Buti ka pa! Ang layo layo ng byahe ko!" reklamo niya. Kahit ako naman siguro magrereklamo. Mula QC hanggang The Fort?! Gehd! Layo nun!

"Edi sabihin mo kay Tita Min." napaisip naman si Kath dun. Oo nga no? Hahaha.

"Okay. Saan condo mo dun? Diba madami dun?" tanong niya. Aba, madami nga naman. May Serendra, McKinley Hills, Trion at iba pa.

"McKinley ata. Ewan. Kanina ata kumuha. Malayo kasi eh." Pagkasabi niya nun, uminom siya ng Gatorade.

"Mahal dun ah." asar naman ni Kath.

"....di naman." nag-roll eyes si Kathryn. Yaman talaga nito.

Pagkatapos nilang kumain, nagpaalam si Kath na uuwi na siya. May commitment pa siya bukas.

"Uwi na ako ah. Text ko lang yung driver namin." huhugutin na sana ni Kath ang phone niya nang pigilan siya ni DJ.

"Ako na maghahatid sayo. Delikado na." napatingin naman si Kath kay DJ.

"Okay lang.. Pag-aralan mo na lang yung irerecord mo." tanggi ni Kath. Nahihiya siya kay DJ dahil ihahatid pa siya ng binata eh may recordings pa ito ngayong gabi.

"Kath, memorize na memorize ko na ang kanta na binigay sa akin. Kaya, hayaan mo akong ihatid ka. Sinamahan mo rin akong kumain diba?" napaisip si Kathryn. Nag-aalala rin siya sa sasabihin ng fans ni DJ.

"Sige na, Kath." hinila na ni DJ si Kath kaya di na talaga siya nakatanggi. Nung nasa harap na sila ng kotse, pinagbuksan na ni DJ si Kath ng pinto ng shotgun seat. Nagdadalawang isip pa si Kath kung papasok siya o Hindi.

"Sigurado ka ba, DJ?" alinlangang tanong ni Kath.

"Oo. Kaya sakay na." napabuntong hininga si Kath. Bahala na!

Papasok siya sa kotse ng mauntog siya. Natamaan ang kaliwang ulo niya. Hay. Clumsy talaga.

"Okay ka lang?! Saan masakit?! Saan?! Sabihin mo?!" pag-aalalang tanong ni DJ.

Di naman nakasagot agad si Kath, ngunit bigla na lang ito napahawak sa kaliwang dibdib niya. Nanlumo si DJ sa nakita niya.

"Kath..." mahinang sabi niya.

"O-okay lang ako, DJ. Haha! Mag-drive ka na." sabi na lang ni Kath.

Sinarado na lang ni DJ ang pintuan. Napatulala siya sa nakita. Fcccckkkkk!!

Napatingin na lang siya sa tinted window ni Kath. Bumuntong hininga siya at sumakay na sa driver's seat.

Napatingin siya kay Kath na minamasahe ang kaliwang parte ng ulo niya.

"Let me do this for you, Kath..."

















































hinalikan niya ang kaliwang parte ng ulo ni Kath.







∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞



Comment and vote.

BINIBINITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon