Chapter 1 - Maknae Line

1.7K 64 23
                                    

Kim Taehyung's Point of View
Okay, hindi ko talaga alam kung bakit ako pumayag sa mission chuchu na 'yon. Actually..dejoke, hindi ko na talaga alam. It's like, I'm going insane kung hindi ko sila mapaghihiwalay. At hindi ko alam kung paano ko ito gagawin.

Maybe, I'll seduce him? Pfft. Joke lang. Hindi naman ako magaling do'n. Si Jimin lang talaga ang magaling sa pang-seseduce xD Ewan! Ano ba 'tong pinasok ko? Arghh!

*BOGSH*

Napatingin kaming lahat sa may labas at nakita naming nakauwi na pala sina Jimin at Jungkook. Pero, yung flower vase sa labas, nabasag. Lagot sila kay Seokjin-hyung!

"What the? ANONG GINAWA NIYO SA FLOWER VASE KO?" Sigaw ni Seokjin-hyung sabay karipas ng takbo palabas.

Sabi na eh. Mahal na mahal kasi niya yung mga flower vase niya na nasa labas. Ewan! Mura lang naman ang mga 'yon.

"Mahal na mahal talaga ni Jin yung mga flower vase na 'yon." Pailing-iling na sabi ni Yoongi sabay higa sa Sofa. Matutulog nanaman 'to, panigurado.

Natawa lang kami nina Namjoon at Hoseok.

Pumasok na sina Jungkook at Jimin at nagtatawanan pa sila. Tusukin ko mga lalamunan nila eh :3

"Hi, Taehyung!" Bati sa'kin ni Jimin pero inirapan ko lang siya.

"Sungit."

Tapos umakyat sila sa taas! Tss. Ang sarap nilang kalbuhin--este si Jimin lang pala. Yung girlfriend na ni Jungkook ang bahalang kumalbo kay Jungkook.

"HINDI KO NA ALAM!" Sigaw ko.

"Hoy, ang ingay mo!" Reklamo ni Hoseok.

Nirolyo ko ang mga mata ko, "Kailangan ko ba talagang gawin 'yon?" Question ko.

"Oo nga. Pero kung hahayaan mo lang si Jimin, edi huwag. Baka mapunta lang si Jimin nang tuluyan kay Jungkook, sige ka." Ngisi pa ni Yoongi. Tusukin ko gilagid nito eh :3

"Oo na, oo na." Hindi ko talaga alam kung paano ko gagawin 'to. Ewan! Bakit ba 'ko pumayag :3

~

"What the? Eii~ ano ba Jimin-hyung~"

Napa-cringe ako dahil sa inakto ni Jungkook. Jusme! Para siyang bakla umakto.

"Hoy, umayos ka ng akto mo, Jungkook. May girlfriend ka, diba?" Sabi ko sakanya.

"Sorry, Hyung." He grinned.

Nirolyo ko ang mga mata ko. Nasusuka na 'ko sa nakikita ko. Nandito kasi kami sa kwarto naming tatlo, at ito nanaman, hinaharot nanaman ni Jimin si Jungkook. Haloa araw-araw nalang :3 Feel na feel niya talaga ang harutin si Jungkook kahit na alam niyang may girlfriend si Jungkook. Psh, palibhasa'y nasa ibang bansa yung girlfriend ni Jungkook kaya sinusulit na ni Jimin.

Napakalandi talaga -____-

Dito sa dorm, may tatlong kwarto. Yung isa, itong kwarto naming tatlo nina Jimin at Jungkook. Yung isa naman, kina Yoongi at Hoseok habang yung isa naman ay kina Namjoon at Seokjin-hyung.

Pero para nga 'kong hangin kapag magkakasama kaming tatlo, kahit dito sa kwarto :3 Paano ba naman, halos i-ignore na nila ako. Parang sila lang yung tao dito, hindi man lang nila ako pinapansin. Hindi ba nila alam kung gaano 'yon kasakit? Sobrang sakit 'yon, mas masakit pa sa naipit na kamay at paa sa pintuan or daliring nabangga sa paa ng lamesa. Okay lang naman na palagi silang magkasama, pero kapag kasama nila ako, sana naman ay pansinin din nila ako, hindi yung para lang akong nagsasalitang hangin na dinadaan-daanan nila. Masakit!

Okay, bakit ba ang drama ko? Nababaliw na 'ko, I swear :3

"Ano bang--" Hindi ko na tinapos ang sasabihin ko kasi napansin kong natutulog na pala sila. At take note, MAGKAYAKAP PA.

Aba!

Ang sarap buhusan ng kumukulong tubig ang dalawang ito. Arghh :3

Ito yung mas masakit. Yung feeling na may ibang mahal yung taong mahal mo. Nafefeel niyo naman ako, 'diba? 'Diba? Sobrang sakit!

Humiga na 'ko do'n sa isang kama since dalawa lang yung kama dito sa kwarto. Minsan, sa sahig ako natutulog dahil si Jungkook ang humihiga dito sa kama. Ang hirap talaga kapag tatlo kayo sa isang kwartong may dalawang kama lang. Kawawa ang isa dahil sa sahig siya hihiga at kalimitan akong sa sahig humihiga dahil pinagbibigyan ko si Jungkook since siya ang pinakabata sa'min.

Pero sana naman, pagbigyan din ako ni Jimin at siya naman ang humiga sa sahig since siya naman ang pinakamatanda sa'ming tatlo. Pero wala eh, selfish siya :3

And since nasa iisang kama sina Jungkook at Jimin, sa wakas, nakahiga na rin ako sa kama. This is not the first time pero finally, muli akong nakahiga sa kama XD

Pipikit na sana ako pero may biglang yumugyog sa'kin. Si Jungkook pala :3

"Hyung, diyan ako." Medyo inaantok na sabi niya.

Kasasabi ko lang na masosolo ko ulit yung kama eh. Ano ba 'yan! Sa sahig nanaman ako matutulog :3

Nilamutak ko ang mukha ko bago bumangon. Iyon na 'yon eh, nakahiga na 'ko sa kama tapos biglang paalisin ako, huhuhu.

Tumayo ako mula sa kama at humiga naman si Jungkook do'n at natulog ulit. Napabuntong hininga ako at lumapit do'n sa kamang hinihigaan ni Jimin para i-shake yung katawan niya nang magising. At nagising siya.

"Ano ba? Kita mong natutulog ako dito eh. Istorbo ka!" Bago pa siya matulog ulit ni-shake ko ulit yung katawan niya.

"V, ANO BA?"

Napa-flinch ako dahil sa itinawag niya sa'kin. Bakit niya 'ko tinawag na V? Hindi ako sanay. Hindi ako sanay na tawagin niya 'kong V, mas sanay ako kapag TaeTae or Taehyung.

"Jimin, ikaw naman ang matulog sa sahig. Maawa ka sa'kin!" Naka-pout na sabi ko.

"Bahala ka! Pwesto ay pwesto, walang agawan!" At pumikit ulit siya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Ang sarap talagang buhusan ng kumukulong tubig 'to. Ang sarap din niyang sapakin.

"Aish!" Inis na sabi ko. No choice kundi ang maglatag sa sahig. Hays. Sa sahig nanaman ako matutulog. Bakit ba laging ganito? Sige, okay lang. Sanay na 'ko. Okay lang, OKAY LANG TALAGA :3

After kong maglatag sa sahig ay humiga na 'ko at kinuha ko ang cellphone kong kulay puting Iphone 6. Since hindi pa ako inaantok, maglalaro nalang muna ako.
-

A/N: Sabi sainyo, corny :3
Sige, enjoy nalang :)

P.S. (look at the multimedia) mala-gangster si Jemen, pfft. XD

~Mrs. Park

TAEHYUNG'S MISSION: PAGHIWALAYIN ANG JIKOOK. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon